🏰ALEX🏰
Dahan-dahan lang akong naglalakad palabas at pinakikiramdaman ang mga tao sa labas. Pigil-pigil ko ang paghinga ko habang dinadahan-dahan ang paglalakad. Wala na yata sina Tupe dahil tahimik na ang bahay. Sa school na lang ako magbebreakfast para mabilis akong magfastbreak mamaya.
May laro ba kami?
'Di ko alam eh...
"Hoy..." Nahinto ako sa paglalakad dahil narinig ko ang boses ni Eric. Baka ngayon niya na ako paluin dahil hindi ko siya nipagbuksan kagabi. "Tatakas ka pa ah?"
Nanakbo kaagad ako palapit sa kaniya para yakapin. Inipit ko ang mga kamay niya para hindi na siya makamove. "Hindi na mauulit Baby. Promise hindi ko na talaga uubusin ang dishwashing liquid." Humarap ako sa kaniya at nginusuan siya. Hindi na siya makagalaw. Kahit siguro halikan ko siya, hindi siya makakapalag sa akin.
Buntisin ko kaya siya? Para may kapatid na si Umbag?
Ay 'wag baka umiyak ang unico hijo ko!
"Pasaway ka talaga." Napanguso ako dahil ang nipapagalitan niya ako. "'Di ba sabi ko, tatandaan mo lagi 'yung mga bi-." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Kiniss ko na kasi siya kaagad. Ganiyan ang ginawa sa akin ng Bading na si Luke. Hindi niya ako nipatapos sa pagtatalk at kiniss kaagad, kaya ganiyan din ginawa ko para hindi na ako pagalitan ni Eric.
Ang galing ko hindi ba?
Panis na naman kayo sa akin...
Nakita niyo ba 'yung mga galawan ko do'n?
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng pabalik. Sobrang higpit, napakahigpit at pinakamahigpit sa buong mundo. Walang himala, ang himala ay nasa kamay ni Eric. Nakakagulat lang na hindi siya umalma o nagreklamo. "Ahmm? Eric?" Nakahawak ang kamay niya sa likod ng ulo ko kaya hindi ako makamove.
"Sssshhh..."
"'Di ako makabreathe." Akala ko bibitawan na niya ako, hindi pala. Niluwagan niya lang ang pagkakahahug niya sa akin. "Si Mother Uji?"
"Umalis na."
"Sina Tupe?" Nataranta ako dahil ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Gusto ko siyang itulak pero parang ayaw ko. Hinigpitan ko na lang din ang pagkakayakap ko.
Ang sharap...
"Umalis na."
"Ang espasol?"
"Umalis na rin, nagmamadali nga eh." Sinusuklay na pala niya ang hair kong mabantot.
"Buti naman, sana 'wag na siyang bumalik." Napangiti ako habang inaamoy ang Baby ko. Ang bango naman ng Papa ni Umbag, parang siya.
Amoy aso!
"Ganda?" Inalis niya ang hands ko at hinawakan ang face ko para iharap sa kaniya. Para nagmanhid ang katawan ko nang makita ko ang mukha niya. "Uy," untag niya.
"Oo sige-sige," tumango ako.
"Anong oo? Wala pa akong sinasabi." Ngumiti siya sa akin kaya napayakap na lang ako ulit. Aatakihin na yata ako kapag tumingin pa siya sa akin ulit. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya, para hindi ko na siya makita. "Ikaw talaga," sinuklayan niya na ulit ako. "Ganda, layuan mo si Sean ha?" Pasimple ko siyang nilingon pero leeg lang niya ang nakita ko. Parang gusto ko 'yung kagatin at ubusin.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Художественная прозаContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21