🏰ALEX🏰
Nagising ako dahil nagising ako. Alangan naman nagising ako dahil inaantok ako. Ang bobo niyo! Joke lang! Nagising talaga ako dahil ang ingay ng Kuya ko. Nagla-live concert na naman kasi siya eh. Ang pangit na 'to, pangarap pa lang maging singer hindi man lang ako sinabihan.
Ako na lang sana nag-Engineer...
Engr. Alexaundra Cristina, Danica, Ganda ni Eric, Mamaw ni Umbag, Boss Baby Uod Mapagmahal De Vera-San Juan...
Napakahusay mo Alex...
Wala kang kapares...
Bumangon na ako at laking tuwa ko ng makita kong butterfly na ang kaninang uod lang naman. Nagtatalon ako sa sobrang saya pero huminto rin ako dahil baka magising ang Kuya ko. Mauudlot ang concert niya 'pag nagkataon.
Kawawa naman ang mga fans niya...
Nanakbo ako papunta sa k'warto ni Papa dahil baka nando'n na siya. Wala na kasi siya sa side ko eh. Kumatok ako ng sobrang lakas, napakalakas at 'yung pinakamalakas, worldwide. "Papa! Papa! Papa! Naging butterfly na 'yung uod! Ang galing ko! Sobrang galing, napakagaling, pinakamagaling sa buong universe!" Inikot ko 'yung doorknob kaya nalaman kong bukas. Pumasok na ako kaagad kaya nakita ko sila Papa na nakahubad. Kumunot agad ang noo ko. "Ang lalandi oh!" Nagpamewang ako.
Nakauwi na pala si Mamaw...
"Hoy!" Sigaw ni Mamaw. Niyakap niya si Papa at mabilis na pinulupot ang kumot sa katawan nilang hubo't hubad.
"Bakit kayo nakahubad?!" Nginusuan ko sila kasabay ng pagsasalubong ng kilay ko. "At bakit kayo magkapatong?! Anong kalandian 'yan?! Paki-explain!" Para silang shanghai na binalot sa wrapper. Magkayakap pa rin sila pero nakapaikot sa kanila ang kumot.
"Bunso, naiinitan kasi kami ng Mamaw mo." Palusot ng Papa kong makunat ang b*yag.
"Oo mainit talaga," sabi naman ni Mamaw. Pinampaypay niya pa ang kamay niya.
"Eh bakit nakakumot na kayo kung naiinitan kayo?"
"Eh kasi malamig na," sagot ni Papa.
"Oo Nguso malamig na," sabat naman ni Mamaw.
"Eh bakit kayo magkapatong?" Natahimik sila kaya naningkit ang mata ko habang tinitignan ang dalawang pangit na 'to.
"Para makabuo," nakangiting sagot ni Mamaw.
Anong bubuuhin?
Pangarap? O baka naman bahay!
Mabilis na tinakpan ni Papa ang bibig ni Mamaw. "Bunso kasi, nadapa si Papa. Sa ibabaw ng Mamaw mo ako bumagsak."
"Weh?" Nadapa? Tapos sa ibabaw bumagsak? Ang galing naman non! Ma-try nga magpadapa kapag hindi ako sa ibabaw ni Mamaw bumagsak, kotong sa akin 'to.
"Oo nga," naninigurong sabi ni Papa with matching tango pa.
Hindi ako naniniwala...
Lumapit ako sa kanila at naupo sa gilid ng kama. "Eh ano naman 'yung mahaba?" May nakita kasi akong parang hotdog kanina eh.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21