🏰ALEX🏰
Nasa linya ang dambuhalang Tagak, nakalimang foul na yata kami. Pula na kasi ang limang linya sa ilalim ng score namin. Si Loona ang lead scorer namin, sunod si Yngrid, kaya nagtaka ako kung bakit iilan lang ang score ni Darylle tapos si Sydney itlog. Lumapit agad ako kay Binata at binato sa kaniya ang susi.
"Pasok na ako," sabi ko. 2nd quarter na nang makabalik ako. Tumayo naman siya at sumenyas sa committee. "Hoy, ba't nakaupo ka diyan?" Maangas kong tanong kay Sydney. Daig niya pa ang nakakita ng multo sa sobrang gulat. "Tayo diyan, papasok na tayo." Hinila ko siya patayo. "Binata, sasama ko 'tong pangit na 'to." Inakbayan ko si Sydney. Wala na siyang magagawa dahil gusto ko siyang kasama sa loob.
"Sydney, ayos na ah?" Bilin ni Kuya ReiRei. Pakiramdam ko tuloy nagkalat 'tong babaeng 'to kanina kaya nilabas.
"Good luck," sabi ni Yngrid at Jessica bago kami nagpalit. Nagsigawan na ang mga pangit kong fans dahil inanunsiyo na ng commentator ang substitution.
Pumwesto kaagad kami nila Sydney sa loob. "Anong nangyari kay Sydney?" Si Darylle ang tinanong ko dahil ayokong usisain si Sydney. May mga bagay kasi na hindi natin kayang ikuwento, lalo na kung sa palagay mo pagtatawanan at lalaitin ka lang ng ibang tao sakaling sabihin mo.
"Hindi ko alam diyan. Laging lutang, tapos ang lamya. Kapag pinapasahan laging nabibitawan kaya nakukuha ng kabila."
"Eh sa 'yo? Ba't ganiyan lang? Four points?" Niyabangan ko siya, para manggigil siya at lumabas ang angas sa kaniya. Gano'n kasi 'yon, dapat ginagalit para mag-alab. Kumbaga sa baga, lalagyan natin ng gatong para magliyab. "T*nginang 'yan, kung gagawing pera 'yan?" Tinuro ko ang score niya. "Kahit biscuit hindi ka makakabili."
"Yabang mo," naiinis na naman sa akin. "Malas lang ako, kaya ganiyan." Kung naiinis siya sa akin, mas naiinis yata siya sa sarili niya.
"Okay," sabi ko, dahil mahirap naman talagang kalabanin ang kamalasan. Hindi naman kasi araw-araw pasko. Madali lang naman 'yon gawan ng paraan. Kung malas eh di 'wag pasahan, 'wag patirahin. Anong magagawa natin? Malas eh...
Napatingin ako sa mga kalaban naming naglalakihan ang mga hinaharap. Napapikit ako habang nilalabanan ang tentasiyon. Kahit kailan, hindi talaga nakakatulong sa akin ang mga dibdib na 'yan. Kailangan ko nang mag-leave sa B**biefied at B**bienatics. Doon ako sa Anti-B**bie group sasali para hindi na ako matukso. Diyan ako mapapahamak, sa kakab**bie ko.
Kasalanan 'to ni Mamaw...
Kung hindi niya pinakita sa akin ang dibdib niya, hindi ako mababaliw ng ganito. Siya ang may kasalanan ng lahat ng paghihirap ko sa kamay ng mga naglalakihang b**bie.
Kaya mo 'yan...
Si Yiren ang nakarebound ng bola dahil nabigla ako. "Yes may katulong na ako sa loob." Pinasa niya sa akin ang bola.
Dinala ko 'yon hanggang makarating kami sa balwarte ng mga lobo. Lamang pa rin sila ng onse dahil nakashoot naman ang mga kateam ko. Gumalaw naman kasi ang score nila.
Mahihirapan nga kami sa loob dahil malalaki sila. Sa labas lang kami makakabawi, pero kapag ganitong malas si Darylle at lalamya-lamya si Sydney, mahirap magyabang. Baka mapahiya lang ako at baka malaki ang matapyas sa kayabangan ko.
Hindi naman sa pambubuwakaw pero parang gano'n na nga, ayaw kong mamasa, dahil susubukan ko ang suwerte ko. Alam kong hindi ito ang tamang oras para mag-testing, pero alangan naman subukan ko ang suwerte ko kapag tapos na ang laro 'di ba?
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21