🏰ALEX🏰
Nakakapang-init ng ulo ang mga pangit doon sa likod. Akala nila ikinagwapo at ikinaganda nila ang pang-aasar. Hindi naman ako papayag na matalo ang mga kamag-lobo ko, dahil katapyasan din 'yon sa kayabangan ko. Hindi ako papayag na asar-asarin lang kami ng mga jutay na 'yan.
Aasarin ko pa sana sila kaso may lumapit sa amin na committee at pinagsabihan kami. Siyempre, nagkunwari na naman akong mabait na baby kahit hindi naman talaga. Pasimple kong sinulyapan 'yung mukhang shokoy doon sa likod. Kakalangoy niya sa tubig ayan nangitim tuloy. Shokoy at pangit, equals shonget.
Ang shonget niya...
Pwe!
Panay ang pananakot niya gamit ang kamao niyang 'sing pangit ng mukha niya. Binelatan ko siya at inasar-asar gamit ang hinliliit. Ginawa ko 'yung sungay kaya lalong naasar. "Mas mapusyaw pa 'yung shirt mo kaysa sa kulay mo!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nakakatawa talaga ang pagmumukha niya. Sobrang pangit, napakapangit, pinakapangit na shokoy sa buong mundo. Narinig ko na namang nagtawanan ang mga kamag-lobo ko. Si Darylle pana~y na naman ang kurot. "Arouch, kanina ka pa."
"Tumigil ka na kasi, hindi ka naman inaano."
"Hindi mo kasi nakikita."
"Tumigil ka na. Isa pa, aalis na tayo rito."
Ngumuso na lang ako dahil nakakairita siya. Pumapayag siyang asar-asarin lang kami. Inirapan ko siya at inambahan ng suntok habang hindi siya nakatingin. Bigla siyang tumingin kaya nagkunwari na lang akong nagchicheer. "Go Jason!" Sabi ko habang sa kaniya nakatingin.
"Nakita ko 'yon."
"Ang alin?"
"Ang alin ka pa diyan? Napaka ano mo."
"Ano?" Pagalit kong tanong. Alam niya namang ayaw na ayaw kong inaaway ang mga kamags ko eh. Naiinis talaga ako kasi hindi ko maupakan ang shokoy na 'yon.
"Manood ka na lang, kasi hindi ka naman tutulong."
"Sino may sabi sa 'yo?" Inirapan ko na talaga siya ng harap-harapan. Kaya ko naman talagang tumulong, tinatamad lang talaga ako. "Usod nga," sabi ko kay Coach Limer.
"Aba, boss ka ba?"
"Oo, Boss Baby," sabi ko habang nakaturo sa sarili ko. Umusod naman ang pangit kaya naupo na ako. Buti malakas ako rito, crush niya kasi si Mamaw. Nagde quatro ako habang pinanonood ang laro. Isa pa sa nakapagpapikon sa akin ang score nila.
Tambak...
Nakakasulasok ang hitsura ng score board, kaya nakakapang-init talaga ng ulo. Tapos 'yung gatorade pa na blue bawas. Epal kasi 'tong bakla na 'to eh, inagaw ang blue juice ko.
Hmmp!
Dinidribol nung pangit na Taipan ang bola. Nakakawalang gana dahil ang pangit niya. Tumira siya ng tres at pumasok 'yon, kaya ngali-ngali kong batukan ang nakascore. Napakamot sa ulo ang Coach na umiibig ng tunay sa aking Mamaw.
"Boys ayos!" Sigaw ni Coach.
Si Jason na umiibig ng tunay kay Darylle ang nagdadala ng bola sa ngayon. Nahihirapan ang magiging asawa ni Darylle na ipasa ang bola, dahil pangit ang kalaban nila. Napapangitan siguro siya sa hitsura ng mga Taipan kaya halos ayaw niyang tignan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21