Chapter 223: PARADE 5 (SFD1)

114 12 0
                                    

🏰ALEX🏰

Naramdaman ko ang marahang pag-galaw ni Kuya. Naglalakad na siya kasabay ng paglakad ng iba. Para akong tulog na gising din sa kabilang banda. Feeling ko tulog ako pero naririnig ko ng kaunti ang ingay ng mga tao sa paligid ko. Ang tunog ng tambol at lira ang sanhi ng pag-aalboroto ng utak ko. Kaya ko na ang dami ng tao, pero ang tunog na 'yan ang kinaiinisan ko sa lahat.

Hindi ko alam kung bakit...

"Hoy! Wala ka pala eh! Yabang-yabang mo pabuhat ka naman!" Narinig ko ang pamilyar na boses ng pangit kong Mamaw, pero alam kong guni-guni ko lang 'yon. Naghahallucinate siguro ako dahil sa nararamdaman ko.

Ano namang gagawin niya sa Sports Fest?

MagpapaBIBI?

"Hmm..." Naramdaman ko na lang na may nangkikiss sa cheeks ko. Sobrang dami, napakadami at pinakamadami sa lahat. Napamulat ako ng kiss-an na niya ang lips ko. "Aaaa! Ang pangit!" Inilipat ko sa kabilang balikat ni Kuya ang mukha ko para hindi na ako makiss-an ni Mamaw.

Nandito nga siya!

"Nasaan ang yabang mo?" Bulong niya sa tenga ko. Pinagkikiss-an niya pa ulit ang kabila kong pisngi.

"Hi Mamaw," sabi ni Kuya.

"Stop!" Sigaw ko. Huminto tuloy 'yung mga nasa unahan. Dali-dali akong bumaba mula sa pagkakabuhat ni Kuya. Napaupo ako sa kalsada kaya tumama ang p*wet ko. Arouch! Gusto kong isatinig pero mapapahiya lang ako. "Hindi masakit, hindi masakit." Lumapit kasi sa akin si Darylle, tutulungan yata ako. Tumayo ako kaagad at pinagpag ang likuran ko. Palihim kong hinawakan ang p*wet ko dahil masakit talaga. Sinabi ko lang na hindi, pero deep inside kinukumbulsiyon na ang mga lubot ko.

Mas masakit kasi may nakakita...

Arouch! Sobrang arouch! Pinaka arouch sa buong mundo! Universe!

"'Yan puro ka kahambugan." Pinagpag ni Mamaw ang p*wetan ko. Napanguso ako dahil ang ganda ng clothes niya, pero siyempre hindi ko sasabihin na nagagandahan ako kasi yayabangan niya lang ako.

Mabagal lang ang paglakad namin kaya nakakasabay naman ako. "Wow Mamaw, ang pangit mo ngayon ah!" Naalala ko bigla ang mga balloons ko. "Mamaw tignan mo oh. Bigay 'to ng Kuya ko!" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at nagpacute sa Mamaw ko.

"Patingin nga," hinila niya si Spongebob at sinapok. "Ang pangit," sabi niya. Pinagkukuha niya pa ang iba. "Pangit, pangit, pangit," pinagsasapok niya ang mga balloons ko.

"Mamaw..." Nag-iyak-iyakan na ako dahil sinuntok niya ang balloons ko. "Bad ka!"

"Ang pangit ng balloons mo! Kamukha mo!"

"Mas pangit ka naman!" Ang bwiset na matanda nakikisali sa parade naming mga students. "Isusumbong kita sa Papa ko!"

"Wala naman dito 'yung Papa mo. Hindi na 'yon babalik, may iba na 'yon. Pagbalik non sa susunod may kasama na 'yung bagong baby kaya hindi na ikaw ang bunso." Binelatan niya ako kaya lalo kong nilakasan ang iyak ko. Hinihila na ako ni Kuya dahil humihinto ako sa paglalakad.

"Papa!" Natatakot ako na baka ipagpalit nga ako ng Papa Mambs ko. Nando'n pa naman 'yung lalaking mabagal magsalita kaya baka totoo nga. "Ayaw ko!"

"Hi Alex," tawag sa akin ni MU. Lumingon ako sa may gilid kaya nakita ko si MU na nakasakay sa kotse at mabagal 'yung pinaandar.

"Hi MU," ngumiti ako at pinunasan ang cheeks ko. "MU may balloons ako oh!" Pinakita ko sa kaniya ang mga balloons ko.

"Penge," sabi niya.

"No!" Umiling ako. Napanguso ako ng makita ko ang kotse na gamit niya. "Akin 'yan ah!" Ang alam ko kasi nando'n na kina MU ang iba kong gamit. Pati 'yung motor ko. Lalaspagin ko 'yon kapag balik ko ro'n. Ibabangga ko talaga 'yon para bilhan ulit nila ako ng bago!

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon