🏰GLYDEL🏰
Sa sobrang dami kong ginagawa, parang hindi 'yon nababawasan dahil sunod-sunod ang pinipirmahan. Hindi naman pwedeng pirma lang ng pirma no? Dapat basahin din para hindi ako maisahan ng mga balasubas na 'yan. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakaintindi at kakaisip kung ano bang mapapala ko sakaling pirmahan ko ang mga proposals nila. Kung si Mamba lang nagsulat nitong mga proposals na 'to, aba yes yes yow na kaagad 'to.
Nag-uuwian na ang mga empleyado ko pero nandito pa rin kami ni Eugene. Pinauuwi ko naman na siya pero ayaw niya. Tuwang-tuwa siya dahil sa kotse na binigay ko, pero parang ang tamlay niya talaga. Hindi ako sanay sa ganiyan katahimik na Eugene. Hindi ko naman siya matanong-tanong dahil busy rin ako. Baka madala ako sa kuwento at hindi na makapagtrabaho.
"Eugene mauna ka na," sabi ko. May mga anak siyang naghihintay sa kaniya pag-uwi. "'Wag ka mag-alala tinawag ko na 'yang kotse mo, kahit wala ka pang lisensiya makakapagdrive ka na."
"Hindi na, hantayin na kita."
"Uwi na," pamimilit ko. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan niya sa akin. Oo pinapasahod ko siya, pero hindi 'yon sapat para ubusin ko na ang oras na nakalaan para sa mga anak niya. "Sige na, kaya ko na 'to." Hindi ko naman na talaga siya kailangan ngayon, dahil nagampanan na niya ang tungkulin niya bilang empleyado ko.
Umiling siya. "Dito lang ako, sasamahan na kita."
Sinara ko na ang folder na binabasa ko. Uuwi na lang ako para makauwi na rin siya. Pagod na rin naman ako kaya tama na 'to. Hindi naman ako gaganda 'pag tinapos ko 'to. "Tara, sibat na tayo."
"Uuwi na?"
"Hmm..." Tumango ako habang inaayos ang mga kalat ko. Sinisipag naman ako ngayon.
"Tulungan na kita." Lumapit siya kaagad sa akin para tulungan ako.
"Ito naman, okay lang."
"May sahod naman 'to."
"Walang OT," biro ko.
"Okay lang." Tinulungan niya pa rin ako. Alam niya kasing nagbibiro lang ako eh.
"May problema ka ba?" Tanong ko habang kunwari ay nasa mga folder ang atensiyon.
"Wala," tanggi niya.
"Ba't ang tahimik mo? 'Wag mong sabihing meron ka, at talagang itutulak kita pababa." Tumawa siya kaya nahinto rin ako para sabayan ang tawa niya. "Ano nga? May problema ka eh. Share mo naman. Ako nga sinabi ko na sa 'yo 'yung secret ko eh."
Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya. "Si Buknoy..." Napatingin kaagad ako sa kaniya nang marinig ko ang pangalan ng paborito ko sa apat niyang anak. "Hinihingi siya sa akin ni Papa." Naibaba ko ang hawak ko habang nagpipigil ng galit. "Naiinis ako, kasi birthday na birthday ko tapos sasabihan ako ng gano'n? Ano bang tingin niya sa mga anak ko? Tuta?"
"G*go talaga 'yung Tatay mo no?"
"G*go talaga," pagsang-ayon niya.
"'Wag mong ibibigay."
"Hindi talaga," pagdidiin niya. May tiwala naman ako kay Eugene, kaya kahit hindi ko sabihin alam kong ang tama ang gagawin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/251728032-288-k444698.jpg)
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21