🏰DARYLLE🏰
Nagtataka talaga ako kung bakit nandito sina Tito Tonton at Tito Morgan sa bahay. Bukod pa sa mga bodyguards namin na nasa labas ay meron pa sa garden. Nagtanong naman ako pero ang sabi naman nila, sasamahan lang daw nila kami dahil mamaya pa raw uuwi si Mama.
Ang tanong...
Nasaan si Mama?
Nagkakatuwaan kami habang naglalaro ng Monopoly. Si Tito Morgan ang may pinakamaraming bahay. Kung anu-anong laro ang nilalaro namin at lahat 'yon ay may pusta. Hindi na ako nagulat dahil ganiyan din si Tita at sanay na ako kay Alex.
Ang nakakatawa nga lang, nagtatayaan kaming apat pero sila Tito lang ang nalalagasan. Si Tito Tonton ang nagtataya para sa 'kin at si Tito Morgan naman ang nagtataya para kay Ate. Kapag nananalo sa amin na ni Ate ang pera.
Baon daw namin...
Nakakatawa lang...
Kanina kasi, kami lang dalawa ni Mama ang nandito. Si Ate kasi pumasok dahil may pasok sila. Ganiyan kahirap maging isang college student, kahit baha na basta hindi nasuspend ang klase niyo papasok pa rin kayo.
Nakakainis lang dahil akala nila sa mga college student eh waterproof!
Annoying, isn't it?
"Oh ako ang panalo," sabi ni Tito Morgan. "Hameg, hameg, hameg," pinagkukuha na niya 'yung panalo niya. Kapag tumatawa siya kahit walang nakakatawa nakikitawa kami.
Para kaming baliw no?
Para kasing virus 'yung tawa nila ni Tito Tonton...
Nakakahawa!
"Parang dinadaya mo na kami ah," sabi ni Tito Tonton. Isa lang kasi ang bahay niya tapos wala na rin siyang pera. "Iba naman laruin natin."
"Takot ka lang eh," ani Tito Morgan. Silang dalawa ang nagligpit non.
"Tito wala po kayong mga asawa?" Tanong ni Ate sa dalawa. Nakaupo kami sa lapag pero nandito kami sa living room. Nagmimidnight snack na lang kami dahil tapos na kaming mag-dinner.
"May nakikita ka ba?" Inayos ni Tito Tonton ang mga pera ng monopoly.
"Wala po," tawa siya eh.
"Oh eh di wala." Nagtawanan na naman kami. Para kasi silang mga teenager kung magsalita. Ang dami rin nilang alam na kung anu-anong gawain ng mga kabataan kaya parang hindi kami nagkakailangan dahil feeling ko magkakaedad lang kami. "Anong oras na ba?" Tumingala si Tito dahilan para makita niya ang oras. "Tama na 'to, matulog na kayong dalawa. Maaga raw kayo bukas," baling niya sa akin.
"Oo nga po," napakamot ako sa ulo dahil ngayon ko lang naalala na hindi ko pa pala naaayos ang gamit ko.
Makapagdownload na nga...
Hihihihi...
"Uy Darling tulog na," sabi ni Ate.
"Ikaw din po young lady," banat ni Tito Morgan. "Akyat na ro'n." Kinuha niya ang walis tambo at akmang papaluin kami. Napatili kami ni Ate bago nanakbo paakyat. Narinig pa namin ang tawa nilang dalawa sa baba.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21