🏰MATTHEW🏰
Panay ang lingon ko ro'n sa bandang sulok kaya hindi ako makakain ng maayos. Hindi ko kasi mapigilang hindi lingunin sila Alex doon. Mahirap talagang pigilan ang nararamdaman, kahit ayaw mong magselos hindi mo maiiwasan kahit gaano ka kagaling magtago ng nararamdaman.
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko pinagseselosan si Luke, kapag kinukulit siya ni Alex. Ilang beses kong hiniling na sana sa akin niya na lang 'yon ginawa. Kahit 'wag na siyang magbayad ayos lang talaga sa akin. Pero lahat 'yon, dinededma ko dahil wala akong karapatang magreklamo. At isa pa, okay na kami ni Luke sa ngayon, ayoko rin namang magkagulo na naman kami lalo na't nagkasamaan pa sila ni Guione noong isang araw.
Magkakasabay kami pero walang imikan ang dalawa. Nakakausap ko naman si Guione, pero ramdam ko ang ilang sa way ng pananalita niya. Ang ganitong uri ng pagtatalo ay normal lang naman, para subukin ang pagkakaibigan namin. Pero sana nga hindi magtagal ng sobra gaya ng nangyari sa amin ni Sean na nagkalimutan na talaga.
Nakakapanghinayang pero gano'n talaga. Siya naman ang unang nakalimot at hindi kami. Siya ang dumistansiya at hindi na nangausap pa. Siguro kasi, iniisip niyang kinampihan namin si Luke, though 'yon naman talaga ang totoo. Sobrang bobo namin ni Guione kung siya ang ipagtatanggol namin. I know may sabit din si Luke doon pero hindi pa rin tama ang ginawa niya, nila pala.
Hindi na rin ako nagulat na hindi na rin sila close ni Marco. Elementary kami magkakasama, at noong nag-High School medyo dumadalang na. Kung meron mang close na close si Marco sa amin, si Luke talaga 'yon, dahil nga kay Lolo Miguel.
"Uy," tawag sa akin ni Samuel. "Bakit parang magkakagalit na naman kayo?" Doon ko lang naalala na wala pala sila nang mangyari 'yon. Hindi rin naman yata nagkuwento ang mag-bestfriend.
"Hindi ah," tanggi ko. Napansin ko ang mabilis niyang pagsulyap sa mga kaibigan niya. Sa palagay ko, may alam 'tong mga 'to, dahil naalala ko kung ilang mata ang nakatuon sa amin kahapon. Nangungumpirma lang siguro kaya sila nagtanong. "Kabado lang 'yan." Sabay nila akong nilingon kaya nginitian ko na lang. Alam ko namang hindi rin nila gugustuhing ipanguwento pa ang nangyari. Oo may pagkachismosa rin kaming mga lalaki paminsan-minsan, pero pili lang ang pinagtutuunan namin ng pansin.
"Foregate na naman kalaban natin," problemadong sabi ni Rafael. Isa pa 'yan sa rason kung bakit hindi ako makapagfocus. Abot langit ang kaba ko dahil diyan sa laro namin ngayon. Do or Die kasi kaya kailangan naming ayusin. Isang maling galaw lang hindi na kami makakatuntong ng Semis.
Pangatlo kasi kami sa ranking, kaya ang pangalawa ang makakatapat namin, sila nga 'yon. Laglagan kami kaya ang matatalo talagang mabubura na ng tuluyan sa listahan.
Natalo nila kami noong nakaraan kaya hindi malabong maulit 'yon. Pero siyempre, lalaban naman kami, hindi pwedeng hindi. Kailangan naming ayusin para kahit sa semis sana makasuot man lang kami. You know para 'di masiyadong nakakahiya bilang defending champion. They are expecting so much from us, at isa 'yon sa mga nakakapressure.
"Bilis na," ani Luke. Tapos na yata siyang kumain pero may laman pa ang pinggan. Gano'n din itong mama namin na kanina pa rin nakabusangot.
Is it good friday today?
Kailangan naming matapos kaagad, dahil hindi kami pwedeng sumabak sa laro na bagong kain. Baka sakitan naman kami ng tiyan. Isa 'yan sa pinagbabawal ng lahat ng coaches, kaya nga bawal kumain kahit nasa bench.
"Tara na?" Tumayo na kaagad si Luke kahit hindi pa tapos ang iba. "Una na ako ah?" Bigla na lang siyang umalis kaya naiwan kaming medyo nakanganga. Hindi ko alam kung umalis ba siya dahil kay Guione o dahil doon kina Alex. Imposible naman kasing aalis si Luke ng walang dahilan. Sabay kaming nagpunta kaya sabay din dapat kaming lalabas dito.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21