🏰ERIC🏰
Medyo natagalan akong makauwi, dahil nagkayayaan kami nila Coach na kumain sa labas. Hindi ako makatanggi, dahil nakakahiya naman talaga. Minsan lang kasi, kaya pumayag na ako. Hindi rin naman ako nagtagal at nagpaalam ng uuwi, baka nando'n na kasi si Ganda.
Baka tulugan ako...
Pumasok na ako sa gate ng bahay ni MU. Wala pa ro'n ang kotse na dala ni MU noong nakaraan kaya baka wala pa siya. Pumasok na ako sa bahay at naabutan ko sila na nanonood ng TV. Natawa ako dahil lahat sila may lobo na nakatali sa kamay.
"Saan galing 'yan?" Tatawa-tawang tanong ko. Sina Buknoy at Joseph mukhang masaya pero sina Tupe at Ethan, mukhang hindi natutuwa. Ang na kay Buknoy ay si Spiderman, kay Joseph si Iron Man, kay Ethan si Vision at kay Tupe si Hulk. Hinubad ko ang sapatos ko at ibinaba muna ang bag ko.
"Kay Ate Alex po," si Buknoy ang sumagot.
"Nasaan?" Mahinang tanong ko. Tinuro nila 'yung kuwarto ni Ganda. Tumango-tango naman ako bago naglakad papunta sa kuwarto ko. Nadaanan ko ang pinto ng kuwarto ni Ganda. Wala akong naririnig na ingay kaya baka natutulog siya. Dumiretso ako sa kuwarto ko para magbihis. Lumabas din ako kaagad para magluto ng hapunan. "Tupe nagsaing ka na?"
"Oo Kuya, 'wag na raw magluto sabi ni Mother Uji. Bibili raw siya ng ulam."
"Oh sige," sabi ko lang bago ko sinilip ang kuwarto ni Ganda. "Tulog?"
"Baka," ani Ethan. "Napagod 'yon kasi naglaro kami nila Buknoy sa labas."
"Oh? Anong nilaro niyo?"
"Patintero," tumawa sila.
Hindi ko maimagine ang hitsura ni Ganda na naglalaro sa labas ng patintero. "Buti hindi umiyak?" Nagkatinginan silang lahat.
"Ketket lang siya. Saling pusa lang dahil umiiyak kapag tinataya," si Tupe. Napakamot pa sa ulo habang tumatawa. "Ayaw nga niyang ipaalis 'to eh." Tinignan niya 'yung lobo na nakatali sa daliri niya. "Iiyak daw siya ng malakas, 'yung sobrang lakas at pinakamalakas sa lahat."
Natawa ako habang umiiling. Naupo ako sa sofa dahil wala naman akong gagawin ngayon. Tapos na lahat ng project ko at ang Sports Fest na lang ang iintindihin namin.
"Yieee si Kuya Eric kinikilig," pang-aasar ni Buknoy. Sinimulan ni Buknoy kaya nagsunuran ang tatlo. "Aminin mo na kasi na kayo na ni Ate Ganda. Hindi naman namin sasabihin sa maganda niyang Mama eh." Kinilig pa si Buknoy dahil kay Tita.
Crush niya raw...
"Oo nga," sabat ni Ethan. "Secret lang natin, basta lagi mo kaming lulutuan ng ulam na masarap."
"Kayo na?" Usisa ni Tupe.
"Hindi pa," sabi ko. Lahat sila ay hindi naniwala. Inaasahan ko ng ganiyan ang magiging reaksiyon nila. Kahit ang mga kaibigan ko pinagdududahan din ang katapatan ko.
"Weh?!" Umiling-iling silang lahat.
"Hindi kami naniniwala," ani Ethan. "Lagi kayo magkasama 'pag madaling araw. Ikaw ang nanggigising. Nilulutuan mo ng pagkain. Sinusuklayan at kulang na lang bihisan mo. Sinusundo at hinahatid paminsan-minsan. Magkasamang nagpupunta sa mall. Tapos sasabihin mo sa amin hindi kayo? Hindi kami naniniwala. Pokats 'yon...."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiction généraleContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21