🏰MATTHEW🏰
Nandito pa rin kami sa covered court dahil hinahantay namin ang iba pang players. Sabay-sabay na kaming pupunta sa Gym para magpractice ng yell. Nag-uusap ang mga parents namin habang naghihintay. Nilalaro rin namin si Guiven dahil nangungulit siya.
"Anong oras ang uwi nila?" Tanong ni Daddy kina Tito Carlos. Si Daddy lang ang naghatid sa akin dahil pagod pa si Mommy.
"Depende raw," sagot ni Tito Carlos. "Ang sabi ko kay Luke magchat na lang kapag magpapasundo na."
"You too," baling sa akin ni Dad. Tumango naman ako.
Tumayo ako para sumali kina Luke dahil naglalaro sila ng habulan. "Sali," sabi ko.
"Ikaw taya," ani Guione. Tinuro niya ako.
"Kuya Matthew habol," nanakbo na si Guiven. Ang liit-liit lang ng hakbang niya pero ang liksi.
"Nandito na si SuperMatt," siya ang hinabol ko kaya nagtitili siya. Panay ang tawa nila Luke dahil ang cute ng takbo niya.
Nauuna ang tili...
"Guiven ang ingay mo," saway ng Kuya niya. Nanakbo si Guiven sa likod ng Kuya niya para magtago.
"Nasaan kaya si Guiven?" Nagkunwari akong hindi ko siya makita. "Guione nakita mo ba si Guiven?"
"No," sagot ni Guione kaya nagpapadyak si Guiven sa likod.
"Nasaan kaya 'yon?" Naglakad ako papunta sa likod at nagkunwaring hindi siya nakita. Hinawakan ko ang Peppa Pig niya. "Ay akala ko si Guiven." Nagtitili siya bago manakbo kaya muntik ng madapa.
Buti nahawakan ni Luke...
"Careful," sabi niya habang hinahawakang maigi si Guiven dahil tatakbo na naman. "Stop na," hinawakan niyang maigi si Guiven na nagtititili dahil palapit na ako.
"I'm coming," sabi ko. Niliitan ko ang hakbang ko at dinahandahan. "I'm here."
"Kuya!" Sigaw niya. Hinila niya ng hinila 'yung damit ni Luke.
"Boys! Come here!" Tawag ni Coach Limer.
Nahinto na kami sa paglalaro dahil pinapatawag na kami. Nag-ipon-ipon na ang mga babaeng players kaya sumunod na kami. Si Guiven nakisali rin at pumasok pa sa bilog na ginawa namin.
"Bilog, bilog-bilugan," pakantang sabi ni Guiven kaya natawa kami dahil akala niya naglalaro kami. "Assignment, assignment, suntukan! Ayon si Palaka," turo niya sa Kuya niya. "Walang kaawa-awa," umiling-iling siya. "Ah bukaka, ah bukaka, siyang palaka!"
"Guiven come here," tawag ni Tita Izza, Mama nila Guione. "We're going home."
Yumakap siya sa paa ni Guione. "Kuya let's go! We're going home!" Hinila niya si Guione paalis sa bilog.
Kuya's girl...
"Guiven may pasok si Kuya." Pilit inaalis ni Guione ang kamay ni Guiven. Yumuko siya para alisin ang mahigpit na pagkakahawak ni Guiven sa isa niyang paa. "Doon ka na kila Mommy."
"No!" Hinablot ni Guiven ang asset ni Guione.
Buhok...
"Aray," reklamo niya. Lumapit na sina Tito Guillan dahil nananabunot na si Guiven.
"Guiven, stop that." Lalong pinanggigilan ni Guiven ang buhok ng Kuya niya ng lumapit si Tito Guillan.
"Baby dito na," inis na sabi ni Tita Izza. Sa wakas ay naalis na ang pagkakasabunot ni Guiven kay Guione. Mangiyak-ngiyak ang brader namin habang hinihimas ang buhok niyang nagulo na.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21