🏰ALEX🏰
Napahinto ako dahil hindi kumakain ang mga tropa ko. Ako lang ang lumalamon ng mga binili ko, kaya nailang naman ako. Baka isipin nila ang sama ng ugali ko dahil hindi ko sila hinahantay.
Pinagmasdan ko ang mga hitsura nilang tila nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang gumalaw ng pagkain. "Pwede na kayong kumain," malumanay kong sambit, pero walang nagbago sa reaksiyon nila. Mga nakatitig pa rin sa pagkain. "'Wag niyong sabihing gusto niyo pang inguya ko kayo? Abusado naman na yata kayo non."
"Ah kasi Alex," hindi maituloy ni Sydney ang sasabihin niya. Tumingin pa siya kina Georgina.
Mukhang alam ko na kung bakit ayaw nilang kumain. Akala siguro nila galing sa marumi ang pinapakain ko sa kanila. Hindi naman 'yan galing sa nakaw at mas lalong hindi 'yan hingi, utang 'yan. Ang utang binabayaran, pero pwede ko rin namang takbuhan kapag sinipag ako. Meron kasi akong motor na mas mabilis pa sa daloy ng dugo niyo.
Teka, wala nga pala si Topak!
Sige na nga, magbabayad na lang ako kahit labag sa kayabangan ko.
At isa pa, sinakripisyo ko ang katawan ko para lang may ipakain sa kanila. Matapos kong magnilandi doon sa tabi ni Alcantara, hindi sila kakain? Aba, hindi naman pwede 'yon. Ibinuwis ko ang dignidad ko ro'n. Luminggis-linggis pa ako ro'n sa Bading na 'yon para lang diyan.
Hindi naman ako malandi eh, gipit lang. Sinabi ko na kasi sa kanila na wala akong pera, pero 'di naniwala, kaya ayon nangutang na lang ako. Mandangan ba naman kasi, papasok sa iskul mga walang baon.
'Wag na 'wag lang akong makakarinig diyan kay Alcantara na tinatawag akong malandi at talagang babasagin ko ang bungo niya. Hindi naman kasi lahat ng nangyayakap ay malalandi, 'yung iba, mangungutang.
Parang me...
You know...
Padabog kong binaba ang mga kubyertos. Nagkunwari akong galit para kumain sila. "Hindi kayo kakain?" Inis kong tanong. Hindi na naman mga sumagot. "Hindi kayo kakain?!" Nilakasan ko, baka kasi hindi nila naririnig. "Kain!" Utos ko, ako ang boss dito eh.
Boss Baby Bubbles Uod Mapagmahal...
"Uy mga te kain na," ani Kendrick. Kumain na siya kaya nag-gayahan na sila Darylle.
Ang titigas ng mga mukha nito, nilibre na nga lang nag-inarte pa. Ano naman kung galing sa utang 'yan? Sila ba nangutang? Hindi naman ah? Sila ba magbabayad? Mas lalong hindi!
Binukod ni Georgina ang kanin niya sa ulam. "Kaloka ka naman kasi, bakit naman sa dami-dami ng uutangan mo si Luke pa?"
"Kaloka rin naman kasi kayo, bakit naman sa dami-dami ng manlilibre ako pa?" Pagpaparinig ko. Naway tamaan ang mga hidepunggol na 'to. Mabulunan sana silang lahat nang magkamatayan na sila. "Sinabi ko na ngang wala akong dalang pera, kaya ayan, magtiyaga kayo sa utang."
"Te masarap din pala 'pag inutang," sabat ni Kendrick. Tuwang-tuwa na ang berdeng ito at mukhang naeenjoy naman ang pagkain.
"Oo naman," pagsang-ayon ko. "Lalo na 'pag hindi kayo ang magbabayad." Kung nakamamatay lang ang mga salita, kanina pa 'to bumulagta.
"Sa uulitin," sabi ni Cassey sabay tawa. Ang baboy na 'to, mukhang balak akong gawing sugar friend.
"Ipagdasal niyong nandiyan lagi si Alcantara 'pag nagugutom kayo, para may mauutangan ako." Itinaas ko ang paa ko 'tsaka humarupak ng lamon. Nagugutom na talaga ako kanina pa. Nananaginip pa lang ako nagugutom na ako, kaya 'pag gising ko hungry talaga. Kakainin ko nga sana si Sydney at si Darylle eh, buti tinamad ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21