🏰ERIC🏰
Tapos na kaming kumain nang dumating si MU at si Sean. Hindi naman sila magkasama pero magkasunuran silang dumating. Hindi ko alam kung anong nangyari diyan kay Sean at bigla na lang na namang umalis. Okay lang sana, na umalis siya at magpunta kahit saan niya gusto. Pero sana, naisip niyang magpaalam kasi kami ang tag-bahay dito. Kapag may nangyari sa kaniya, baka kami pa masisi. Ang aarte pa naman ng mga kamag-anak niya.
Naghihilamos na ang mga bata, pati si Alex naghihilamos na rin. Sinabihan ko kasi siya na may ipapakita ako sa kaniya after niyang maligo. Nakapaghilamos na rin ako kaya wala na akong poproblemahin. Tapos naman na ako maghugas kaya hinainan ko na sila MU. "Kakain ka?" Kaswal kong tanong kay Sean na medyo amoy alak. Hindi na nakapagtataka na nakabuntis siya. Weekdays nag-iinom? Gawain ba ng matinong estudyante 'yan? Partida, may anak pa siya niyan ah.
Walang kuwenta...
Kaya siguro nilayasan ng shota niya...
"I'm not hungry," sumagot naman pero halatang napilitan lang. It's a tie naman, dahil napilitan lang din akong tanungin siya. Kung pwede nga lang hindi isama sa budget ng pamilya 'yan gagawin ko eh. Kaso nakakahiya kay MU kapag ginawa namin 'yon.
"Kumain ka na?" Nag-aalalang tanong ni MU. Naupo na siya sa upuan kung saan siya madalas pumwesto. "Nag-inom ka?"
"Nayaya lang po."
"Bawas-bawasan Sean, masama sa katawan 'yan."
"Opo," sagot niya.
Inilapag ko na ang pinggan ni MU at mga kubyertos. Halatang pagod na pagod galing sa trabaho. "MU kanin?"
"Naku ako na." Siya na ang tumayo para kumuha ng kanin. Lumayo na ako sa mesa dahil kami na lang na naman ang naiwan. Nakainom pa naman kaya baka saltikin na naman. "Sigurado kayo? Kumain na kayong lahat?" Tanong ni MU pagkabalik niya.
Nililigpit ko ang sala para wala ng masiyadong gagawin bukas. "Opo," sagot ko habang pinapagpag ang throw pillow.
"Si Alex?"
"Naghihilamos," sagot ko.
"Anong inulam niya?"
"Nilaga rin po."
"Pinapatanong ng Mamaw niya." Naupos na siya at nagsimulang kumain. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong umalis. Feeling ko kasi may sasabihin 'yan si Sean kaya hindi umaalis. "Nga pala, sa Friday doon ako sa bahay ni Glydel matutulog."
"Bakit po?" Nahinto ako sa paglilinis. Medyo kinabahan ako nang sabihin niyang aalis siya sa Biyernes. Baka mamaya manggulo na naman 'tong Sean na 'to, walang aawat sa amin.
"Kailangan ni Tita Glydel mo eh," napakamot siya sa ulo. "Pumayag ako kasi Biyernes naman. At least may maiiwan dito sa bahay. Kailangan kasi talaga namin, gahol na gahol na kami."
"It's okay," ani Sean. Ngiting-ngiti kaya medyo kinakabahan na talaga ako. "Magbabonding na lang kami sa Friday night. It will be nice. Right Eric?" Hindi ko inaasahan na tatawagin niya ako.
"Siguro," sagot ko habang sa iba nakatingin. Ang mga ganiyang salitaan, may binabalak na hindi maganda eh. Hindi ko maintindihan, kung bakit habol siya ng habol kay Alex. Eh ang dami-dami niya namang nilanding babae, tapos may nabuntis pa siya ngayon. I mean, ang kapal lang talaga ng mukha niya para gawin 'yon. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para gawin 'yon sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21