Chapter 380: BAD BABE (SFD7)

114 12 1
                                    

🏰ALEX🏰

Sobrang sama ng inside ko dahil sa nigawa ng ButterGlat na 'yon. Sure ako nisadya niya 'yon para siya ang winner. At ako? Loser! Nakakaannoy talaga ang nigawa niya. Isa siyang traitor. Nitraydor niya ako. Nitraydor niya ang bida kaya isa siyang kontrabida. Magsama sila ng Nanay niyang pagkapangit-pangit, pareho silang ipal.

Paipals...

Pinakapaipal na mag-Nanay sa buong mundo!

Wala akong tigil sa pagkacry hanggang sa matapos magdadada 'yong lalaking gusto laging nakamic. Sobrang nakakashy ang nangyari, dahil buong akala ko ako ang best player, pero nagulat din akong mas marami ang points ng lintek na bunso ni Jollibee na 'yan.

"Baby 'wag na umiyak." Nitouch-touch ni Kuya ReiRei ang back ko pero hindi ako nagstop. Lalo ko lang nilakasan ang pagcry. Naghihinagpis ang kayabangan ko. Ang kayabangan kong kaunting-kaunti na lang dahil sa hindi inaasahang pagkatapyas nito.

"No no yow!" Nipalo ko siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nitamaan. Masama talaga ang inside ko ngayon. Ayaw ko muna makipagtalk sa ibang pulpol, lalong-lalo na diyan sa ButterGlat na 'yan. Hindi ko na siya love!

"Tara na balik na tayo sa locker room," yaya niya. Naglakad na ang Kuya ko pero nipigilan nitong si Professor X.

"Coach picture muna," aniya. Nihawakan pa ang biceps ng Kuya ko.

"No no yow!" Bulyaw ko sa kaniya. Napaatras siya dahil sa sobrang pangit ko. "Ayaw ko magpicture! Gusto ko na mag-go home!" Nihug ko ulit ang Kuya ko. Mabuti na lang nakacarry ako sa kaniya, dahil kung hindi baka hinimatay na ako rito. Mahina na kasi ako, bawas na ang kayabangan ko.

Kaunti na lang...

Ang naleft!

"'Wag ng umiyak," pang-aalo niya pero lalo lang akong naiyak. Nakaclose ang eyes ko, hindi ko kasi kayang tignan ang fans kong binigo ko. Hindi na ako ang best. Hindi na ako ang winner. At ang pinakamasakit sa lahat, ang kayabangan ko, nabawasan. Bawas na bawas talaga mga kaibigan.

"Kuya ReiRei..." Nagluluksa talaga ang natitirang kayabangan ko, dahil sa pamamaalam ng mga kasamahan nila. Isa pa sa pinoproblema ko kung saan ako kukuha ng panggastos. Alam niyo na, kapag may namamaalam, may ililibing. Bibili pa akong kabaong, mga damit, magpapaembalsamo pa.

Magastos talaga!

Idedemanda ko na lang si Darylle...

Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa kayabangan ko!

"Bakit po?" Nagpapicture pa rin sila pero ako nakatalikod dahil masama nga ang inside ko. Baka gumanda lang ako sa picture. Mahirap na, baka itakwil pa ako ni Mamaw. Hindi niya pwedeng gawin 'yon dahil magpapabluetooth pa ako sa kaniya ng kayabangan.

Try kaya namin sa share it para mas mabilis?

"Go home," nakangusong sabi ko. Naimulat ko ang mata ko ng hindi ko sinasadya. Nakita ko tuloy ang mga fans kong nakangiti. Ngumuso ako bago umiyak ulit. Nagtawanan ang iba sa kanila. Tama, dapat makita nila kung gaano ako kasad para magalit sila kay ButterGlat. Nagpacute pa rin ako habang umiiyak. Kumaway pa nga ako sa kanila ng pang-Miss Universe.

"Uuwi na tayo." Naglakad na ang Kuya ko palabas sa Gym.

"Bye fans," kahit masakit sa heart ay nagawa ko pa ring magpaalam sa mga fans kong sumuporta sa amin ng kayabangan ko ngayon.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon