🏰MINA🏰
Natapos ang flag ceremony namin na puno ng papuri dahil sa babaeng nakatayo sa likod ko. Maski ako napapalingon ako sa kaniya, dahil ang ganda-ganda niya naman talaga. Pakiramdam ko lalo akong pumangit 'cause there is a gorgeous lady standing behind me. Lalong nabawasan ang self confidence ko dahil doon sa babae.
Humarap na kami sa likod kaya siya na ang nasa unahan ng pila. Nagcecellphone siya ng maabutan ko, kaya nakaharap pa siya sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataon para alamin ang pangalan niya, nakita ko ang pangalan niya sa ID na suot niya.
Nicole Beatriz Gordon...
Ang ganda ng pangalan niya...
Nakaramdam ako ng kaunting inggit dahil doon. Napaisip tuloy ako, kung bakit kaya magkakaiba ang mukha ng tao. Pwede namang iisa na lang ang mukha para wala nang pangit at walang maganda. You know, para lahat pantay-pantay. Walang nakalalamang at walang nalalamangan.
"Students," tawag ng adviser namin habang hinahantay na makalabas ang iba naming kabatch. Lahat ng dumadaan ay nakatingin sa kaniya, mapababae man o lalaki. Ultimong mga teacher kinocompliment siya.
Kainggit...
"Ang ganda non oh." Buong tapang siyang tinuro ng isang estudyante. Matangkad siya kaya sa tantsa ko mas mataas ang level niya sa amin.
"Hi Ate," sabi ng kaibigan niya.
"Hoy ang aga niyan ah?" Galit na sabi ng adviser namin. Bumilis ang lakad ng dalawang lalaki. "Let's go class." Naglakad na kami pabalik sa room. Habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko ang mga gamit niya. Lahat ng 'yon ay magagandang klase at may theme pa, kulay pink kaya babaeng-babae talaga ang dating niya.
Maayos kaming nakarating sa room. Nag-upuan na 'yung iba at ako naman pinakikiramdaman ang iba kung may tatabi ba sa akin.
Sana meron...
Gusto ko ng kaibigan...
Naupo na ako sa upuan ko. Napangiti lang ako dahil may babaeng lumipat sa tabi ko, doon siya sa may kaliwa pumwesto. Mukhang transfer lang din kasi wala siyang kausap at mukhang mahiyain.
"Hi," ako ang naunang nag-approach. Gusto ko lang subukan kung anong pakiramdam ng makipag-kaibigan.
"Hello," nagrespond siya kaagad.
"Transfer?"
"Hmm..." Tumango siya.
"Ako rin," sabi ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nagkatitigan lang kami. Wala kasi akong maisip sabihin kaya hindi ako nakaimik. Nagkatitigan kami bago sabay na natawa sa sobrang awkward. "Sorry 'di ako sanay."
"Me too," aniya. "Anong name mo?"
"Mina," pakilala ko. Joy kasi ang gamit ko noon sa dati kong school, pero sa bahay Mina talaga. Itatry ko lang palitan, baka sakaling maiba ang kapalaran ko.
"Bridgette," pakilala niya naman. Kami lang dalawa rito sa likod. "Malabo mata mo?" Nakangiti akong tumango. "Usod tayo rito." Umusod kaming dalawa ni Bridgette sa medyo malapit sa board. Nasa gilid kasi kami kanina.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21