🏰DARYLLE🏰
Nagising ako dahil sa ingay ng paa. Nakita ko si Yiren na nagdadahan-dahan sa paglalakad para hindi kami magising. Nag-peace sign pa siya dahil nakita niyang nagising ako. Sinilip ko ang mga kasama ko na bagsak na bagsak na rin. Wala na sa ayos ang tulog nila. Sali-salimbat ang higa naming lahat. Para kaming mga bata na kinidnap ng mga sindikato at iniwan lang sa isang kuwarto.
Si Kendrick lang ang nag-iisang lalaki rito. Katabi niya si Georgina at Cassey, dahil si Sydney nasa couch nakahiga. Agad kong nilibot ang paningin ko dahil wala si Alex.
"Yiren?" Tawag ko kay Yiren. Umiinom na siya ng tubig. Kagigising lang din yata niya kasi ang gulo pa ng buhok niya. Lumingon siya sa akin habang nakataas ang dalawang kilay. Umiinom kasi siya ng tubig kaya hindi siya makapagsalita. "Si Alex?"
Sinara niya ang tumbler niya. "Nagpunta kay Coach Reiven. 'Yon 'yung sabi niya kanina."
"Kanina pa?"
"Oo," tumango siya.
Gusto ko sanang pagalitan, pero tulog kasi ako kaya baka hindi siya nakapagpaalam. Bumangon na rin ako ng dahan-dahan, dahil baka magising si Cassey. Nakapatong kasi 'yung kamay niya sa tiyan ko eh.
"Tutulog ako ulit," ani Yiren.
Matagumpay akong nakabangon ng hindi sila nagigising. Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa bag ko. Tinawagan ko kaagad siya dahil baka nawala na 'yon. Ang likot pa naman ng isang 'yon, tapos palaaway pa. Napapikit ako ng maisip kong baka nakikipag-away na 'yon.
Lalo akong kinabahan ng hindi niya sagutin ang tawag ko. Tinawagan ko pa ulit pero hindi na naman sumagot. Nagriring naman ang phone niya. Kung ayaw ako non sagutin papatayin niya 'to malamang.
Nasaan kaya 'yon?
"Yiren lalabas muna ako ha?"
"Sige," sabi niya.
Mas maigi ng magpaalam kaysa lumabas ng walang pasabi. Inayos ko muna ang buhok ko at nagpantalon bago umalis. Napailing pa ako ng maalala kong nakapantulog pala 'yon. 'Wag niyang sabihin sa akin na lumabas siya ng nakapantulog?! Sasamain talaga siya. Papaluin ko na naman siya kapag ginawa niya 'yon. Dala-dala ko ang wallet ko at cellphone paglabas. Naabutan ko pa sila Yixing sa labas. Mukhang naghahantayan silang lahat dahil bahagyang nakaawang ang pinto.
"Si Yiren?" Tanong niya sa akin.
"Nando'n," tinuro ko 'yung pinto. Tumango naman siya bago lumapit sa pinto. "Pahinaan lang 'yung katok kasi natutulog sila sa loob." Dumiretso na ako sa baba para hanapin ang pasaway na 'yon. Gusto ko sanang tawagan si Coach Reiven pero nahiya ako bigla. Baka isipin niya masiyado na akong nagiging feeling close.
Pero nando'n daw si Alex eh...
Nag-iwan na lang ako ng message kay Kuya para hindi masiyadong makaistorbo. Napabuntong hininga ako bago sinilip ang esk'welahan na parang may fiesta. Sobrang dami ng tao sa labas dahil malilim na. Alas tres na kasi at magpo-four na rin kaya ang dami ng tao sa labas.
Paano ko siya hahanapin?!
Nagsimula na akong maglakad. Kung nakapantulog siya, mas madali ko siyang mahahanap. Pero ang malaking tanong, saan naman ako magsisimula?
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Художественная прозаContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21