🏰LUKE🏰
Magkakasama kami nila Guione na naghahanap kay Marco. Hindi kami nagpost about doon dahil bawal daw sabi ni Daddy. Pinuntahan namin lahat ng naging classmate namin noong elementary dahil hanggang elementary lang naman siya sa Kingstone.
Ang iba nahanap namin pero ang iba wala na dahil nagmigrate na sa ibang lugar at bansa. Nang malaman naming nawawala si Marco hindi na kami natulog, naghanap na kami kaagad. Sinubukan ko siyang tawagan dahil baka sagutin na niya pero hindi, wala talaga. Hindi nagriring ang cellphone niya kaya mas lalo kaming kinabahan.
Si Daddy at Mommy sa Palasyo na pumunta. Ang alam ko nando'n din sina Tita Sarah at Tito Raymond. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nilang ipakalat na nawawala si Marco. Para kasi sa akin, mas madali siyang mahahanap kapag gano'n.
"Ano brader? Wala pa rin?" Tanong ni Guione. Tumigil muna kami para kumain. Gabi na at hinahanap na sila Guione sa kanila kaya uuwi na kami after nito. May pasok na kasi kami bukas kaya hindi pwedeng magpagabi. Baka pagalitan din ako nila Mommy.
They might be home by now...
"Wala," napailing ako. Inubos ko na 'yung pagkain ko. "Nasaan na kaya 'yon?"
"Bakit daw ba naglayas?" Tanong ni Matthew. 'Yan kasi ang narinig kong sabi ni Daddy kanina kay Mommy. Naglayas daw si Marco dahil pinagalitan yata.
"Hindi ko nga narinig eh." Inubos ko na 'yung juice kaya tapos na akong kumain. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may nag-message ba.
Si Bridgette...
Bahala ka diyan!
"Paano 'yan? Kanina pa tayo naghahanap pero hindi pa rin natin siya makita." Halatang pagod na si Guione. Kahit sino naman susuko ng ganito eh. Wala kaming lead kung nasaan siya kaya lalo kaming nahihirapan.
"Ipagdasal na lang natin na okay siya," ani Matthew. "Try kaya natin sa mga hotel? Kasi baka nag-check in siya."
"Sa palagay ko hindi," saad ni Guione. "Kasi may makakilala sa kaniya 'pag nag-check in siya. Hindi man siya makilala sa mukha, baka sa pangalan."
"Pinapauwi na ako," nakatingin si Matt sa cellphone niya. Wala kasing tao sa kanila ngayon.
"Ako rin, hinahanap na ako ni Guiven," sabi naman ni Guione.
"Ako na lang muna maghahanap." Tumayo na ako at inayos ang bag ko. Maiintindihan naman ni Daddy kung bakit ako malelate. At isa pa, Opening pa lang naman bukas wala pa kaming laro.
"Sure ka?" Tanong ni Guione. "'Wag na baka ikaw naman ang mawala tapos sabihin mo hindi ka namin mahal."
"Nag-aalala na ako kay Marco." Hindi ko maintindihan ang dahilan niya kung bakit niya 'to ginagawa. Mas close kami ni Marco kaya baka magpakita na siya sa akin kapag nakita niyang mag-isa lang ako. "Hindi niya gamay ang mga tao rito sa labas dahil hindi naman siya nakakalabas." Bumuntong hininga ang dalawa kong brader. Isa 'yan sa mga iniisip ko, na baka maloko siya o baka mapagtripan.
Dukutin...
'Wag naman sana...
"Hindi na kita masasamahan," sabi ni Guione. "Nagwawala na raw si Guiven."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21