Chapter 259: PIZZA (SFD2)

122 10 0
                                    

🏰ALEX🏰

Sobrang saya ko, napakasaya at pinakamasaya sa buong mundo! Ako kasi ang winner. Sobrang winner, napakawinner at pinakawinner sa buong Universe. Sobrang galing, napakagaling at pinakamagaling kasi ako kanina sa buong Pilipinas. Sobrang yabang ko rin, napakayabang at pinakamayabang sa lahat. Walang makatalo sa akin kanina, dahil sa sobrang lupit ko, napakalupit at pinakamalupit sa buong pulo.

At alam niyo ba?

Ako ang Best Player of the Philippines, Supra National, International, World and Universe!

Nanalo ako ng pizza...

Tatlong box!

At 'yon ang nilalantakan namin ngayon dito sa locker room ng Gym. Lunch naman kaya hindi namin kailangang magmadali na bumalik doon sa quarters. Ito ang pre-lunch namin, hinahantay namin ang order ni Kuya. Sagot niya raw ang pagkain namin dahil winner kaming lahat. Pero siyempre, ako ang pinakawinner kasi ako ang pinakamagaling, pinakamaganda, pinakapangit, pinakamabilis, pinakapalanguso, pinakamalandi, pinakacute, pinakamataas tumalon, pinakamagastos, pinakatamad, pinakamayaman at pinakamayabang sa lahat.

Hala wala pa pala akong baon!

Nguso...

Nagliligpit na ang mga katulong namin dito. Sa isang box merong 12 na pizza, kaya dalawa lang ang pinabuksan ko. Itong isa, kakainin namin nila Kendrick mamayang hapon. Sila Cassey kasi hindi na nakapasok dito, dahil hanggang doon lang sila sa Gym. Pero pwede raw sila sa quarters dahil meron silang gate pass.

Sana all 'di ba?

Hihingi rin ako non...

Para all access, PAID!

TiPAID!

Tamang-tama 'yon dahil wala akong baon ngayon, pero hindi ibig sabihin non ay hindi na ako manghihingi. Kung kailangan kong magpatay-patayan gagawin ko makahuthot lang ng kalahating milyon para sa school na ipatatayo ko para sa anak kong si Umbag.

Blue Uod is real...

"Tara na sa quarters, nandiyan na 'yung order ko." Tumayo na si Kuya at sinukbit ang bag niya. Nagsunuran na kaming lahat dahil nagugutom na talaga kami. "Dalaga come here," tawag sa akin ni Kuya.

Lumapit ako kaagad sa kaniya, bitbit ang isang box ko ng pizza. "Kuya yabangan natin si Mamaw ha? Kasi winner tayo eh."

"Sure, no problem." Nakangiti niya akong tinanguan. "Sa paanong paraan mo ba gustong yabangan si Mamaw? 'Yung tipong maiiyak siya, masasaktan, magwawala o mamamatay sa sobrang inggit dahil winner tayo, at siya hindi?"

"Oo lahat 'yon gusto ko!" Ini-imagine ko pa lang na naglulumpasay si Mamaw dahil sa sobrang inggit sa akin, tuwang-tuwa na ako. Dadapa siya sa sahig at paghahampasin 'yon. Magtatatalon sa sobrang yamot na magiging dahilan ng pag-alog ng b**bie ng Mamaw kong malibog.

Hihihi...

"Patay sa atin si Mamaw." Pinagpag niya ang balikat ko na nadumihan yata. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yan, basta nadumihan na lang.

"'Tsaka si Papa Mambs din." Nagkikilig-kilig ako dahil naimagine ko si Papa Mambs na sumasayaw ng Alex Dance Craze, dahil sa sobrang galak sa pagka-winner namin ng Kuya ni Baby. "Kuya ReiRei, bakit?" Parang hindi kasi siya natuwa sa sinabi ko. Ngumuso ako at nagpacute.

"Wala," aniya. Inakbayan niya ako. "Girls let's go, we're about to ingest the foods." Nagsunuran na ang mga feeling Baby ni Kuya, habang nginangasab ang pizza ko. Inaagaw nila ang Kuya ko sa akin. Kung hindi ko lang sila kateam binugbog ko na sila.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon