🏰MINA🏰
Maaga akong umalis para maabutan ko si Sean. Si Tito Raymond ang nagbigay sa akin ng baon, dahil alam naman niyang wala akong aasahan kay Sean. Lahat sila galit sa akin pero wala silang magawa, dahil buntis ako, at ang anak nila ang ama. Sabi ko na nga ba, magagamit ko talaga 'tong bata na 'to sa oras ng kagipitan.
Walang pumapansin sa akin, maski ang mga maids na mainit din ang dugo sa akin. Ilang beses ko na silang naririnig na pinagkukuwentuhan ako. Magkatabi lang kasi ang kuwarto namin dahil maid's room talaga 'yon dati. Feeling ko nga, sinadya 'yon ni Tita Sarah at dinahilan lang na buntis ako para hindi mahalata na ginagantihan niya ako ng palihim.
Gusto kong magalit, pero wala akong lakas ng loob, dahil may kasalanan din naman ako. Alam ko sa sarili ko na mali ako sa part na 'yon, pero hindi sapat na dahilan 'yon para pabayaan niya ako ng gano'n.
I thought, okay na kami, kasi ang sabi niya kami na raw, pero hindi pa pala. Lahat ng sinabi niya puro kasinungalingan lang na naman. Noong gabi pa lang na nalasing siya, naghinala na ako na baka si Audrey pa rin ang gusto niya. Sumabay pang nagpakita sa amin si Audrey, dahil doon pala siya nakatira sa bahay ng Uncle nila Sean.
Napakaepal...
Nagpunta ako sa condo ni Sean. Wala naman kasi siyang ibang tutuluyan maliban dito. May susi ako nito, dahil nagstay ako rito noong pinalayas ako ni Tita Sarah. Tahimik pa sa condo nang dumating ako. I know, natutulog pa 'to, kaya sinadya kong ganito kaaga pumunta rito. Kakapalan ko na ang mukha ko, dahil gano'n naman dapat. Sa panahon ngayon, wala na akong karapatan na mag-inarte, dahil sa isang maling galaw ko lang sa lansangan kami pupulutin ng anak ko.
Isa-isa kong hinubad ang mga damit ko. Babae na ang kahinaan ni Sean, magmula ng may mangyari sa kanila ng bwiset na babaeng 'yon. Kahit sino, sinusunggaban niya, mapasexy man o patpatin.
'Yon din ang gagamitin ko...
Hinding-hindi na niya ako mauutakan...
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto papasok sa kuwarto niya. Nandilim ang paningin ko ng wala akong makita ro'n. Maayos ang kuwarto at mukhang walang tao. Chineck ko ang closet niya, wala man lang nadagdag.
Nasaan 'yon?!
Nagbihis ako kaagad at tinignan ang oras. Tinry kong tawagan sina Ace sa messenger. It's a good thing dahil online sila, pero wala raw doon si Sean. Talagang uminit ang ulo ko sa kakaisip kung nasaan ang lalaking 'yon. Siya talaga ang nagpapastress sa akin.
Kaninong kandungan na naman kaya 'yon nakahilata?!
Nakakainis na!
Naupo ako sa couch at doon nag-iiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa ngayon. Talagang black out na black out na ang utak ko. Sabay-sabay na ang mga problema ko, sa pamilya ko at pamilya ni Sean. Dumagdag pa sa iisipin ko 'yang Audrey na 'yan.
Salot talaga!
Wala na rin akong malapitan, dahil lahat ng kaibigan ko tinalikuran ko na, nang dahil sa kaniya. Kaya hindi ako papayag na maitsapwera, lalo na ngayon na magkakaanak na kami. Hinding-hindi ako papayag na pabayaan niya lang ako. Lalo na ngayon, na alam ko na ang ilan sa mga sikreto ng pamilya nila.
Na may bastardo ang pamilya Madrigal...
Na itinatago nila sa lahat...
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21