Chapter 326: UTOS

110 11 1
                                    

🏰LUKE🏰

Takot na takot akong pumasok sa loob ng bahay. Nakaparada lang ang sasakyan ko sa labas ng bahay nila Guione. Hinahantay ko siyang lumabas, pinapatulog pa kasi nila si Guiven. Si Matthew naman kumakain pa, pero malapit na raw siyang matapos. Wala namang nagbabantay sa gate dahil nasa loob na sila. Nando'n na kasi sila Tito Raymond dahil kotse nila 'tong nakaparada.

Nahirapan akong sabihin kina Guione ang tungkol dito kanina. Umaalma pa nga si Guione dahil hindi naman daw siya kasali ro'n. Mabuti na lang napilit din siya ni Matthew, dahil kung hindi, mag-isa kong haharapin ang magulang ni Sean. 'Di ko alam kung sino ang nasa loob basta sigurado akong nandiyan si Tito Raymond dahil sa kotse niya nga.

Nag-pray muna ako habang naghahantay. Gusto ko, kasabay ko sila pagpasok para isang birahang galit na lang. Kabado rin ako dahil ang sabi ni Daddy dapat daw umuwi na ako kaagad pero hindi 'yon ang ginawa ko. Bahala na kung mapagalitan, magdadahilan na lang ako.

Natanaw ko na si Matthew na papalapit sa akin. Nakabike siya at mukhang bagong ligo dahil basa ang buhok. Kinatok niya ang salamin kaya binaba ko. "K'ya palimos po K'ya." Inilahad niya ang kamay sa harap ko.

"Loko," sabi ko sabay tawa. Nawala ang kaba ko kahit papaano, pero hindi pa rin matahimik ang utak ko.

"Tagal naman ni Guione." Nakatingin siya sa gate ng bahay ng brader namin kaya nahawa rin ako. Tumingin din ako kaya natanaw ko si Guione na palabas na yata ng bahay. "Ayan na," inayos na ni Matthew ang bike niya.

"Pasakay ako," sabi ni Guione. Pumasok pa sa kotse ko kahit ang lapit-lapit naman na. "Manong sa Kingstone lang po."

"Paluin kita diyan ng bato eh," banat ko. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at saka pinaandar papunta sa bahay. Bumusina ako para kahit papaano, alam nilang nandito na kami. Binuksan na ng guwardiya namin ang gate kaya pinasok ko na ang sasakyan. Pinasok din ni Matthew ang bike niya dahil walang magbabantay non sa labas. "Tara na," yaya ko. Matapang ako kasi may kasama ako.

"Bakit kasi kailangan kasama pa tayo?" Nagrereklamong tanong ni Guione habang naglalakad kami papasok. "Bakit malalaman ba nila 'yung totoo kapag pinagalitan tayo?"

"'Di naman nila tayo pagagalitan, kakausapin lang," pagtatama ni Matthew.

"Scam, malamang pagagalitan tayo non dahil hindi natin sinabi sa kanila."

Ako ang nagbukas ng pinto at naunang pumasok. Rinig na rinig ko ang tawa ni Daddy at ni Tito. Mukhang nagkakatuwaan silang dalawa dahil ang lakas ng tawa nila. Pumasok na rin ang mga brader ko kaya dumiretso na kami sa living area. Pulang-pula na naman si Daddy sa katatawa.

"Tapos ang sabi pa ni Alejandre noon, kapag naging Hari raw siya ipagbabawal niya raw ang nagshoshota habang nag-aaral para walang nabubuntis," sabi ni Tito Raymond. Mukhang tungkol sa kabataan na naman nila ang pinag-uusapan nila. "Ang banat naman nitong si Alejandro, eh di mambubuntis na ako habang pwede pa. Hindi ka pa naman Hari ah?" Tumawa na naman sila ng sobrang lakas.

"Lintian," ani Daddy. Hindi nila napapansin na pinanonood lang namin sila. "'Di ko talaga makakalimutan si Alejandro kapag nanliligaw, napkin ang binibigay. Ako kasama non lagi bumili eh. Ako ang tagabigay."

"Tapos kapag sinagot na, manliligaw na naman ng iba," dagdag ni Tito Raymond. Para silang mga bata na nagtatawanan at halos maglumpasay na sa sahig sa katatawa.

"They are here na pala," si Mommy ang nakapansin sa amin. Tumayo siya kaagad para salubungin kami. Natahimik na rin sila Daddy pero nakatawa pa rin. "How's school?" Tanong niya habang inaayos ang damit ko kahit 'di naman kailangan. Nakasimangot si Mommy kaya alam ko kahit hindi niya sabihin, naiinis siya sa ginagawa sa akin.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon