🏰MARCO🏰
Tumigil kami ni Boa sa isang malaking hotel. Hindi ko alam kung bakit kami nandito pero naisip ko na baka dito siya nakatira. Ang ganda-ganda talaga ni Boa, tapos ang bait pa. Hindi ko alam pero kinilig ako nang halikan ko ang paa niyang kasing kinis ng mukha niya.
Ang bango pa...
"Boa bakit tayo nandito?" Nakabuntot lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papasok.
"Dito mo ilaaan ang nalalabi mong araw sa mundo," sagot niya. "Magreflect ka para sa langit ka mapunta at hindi sa impiyerno. Mainit do'n, kahit magdala ka ng aircon wala pa ring magagawa dahil wala raw source ng kuryente do'n sabi ni Satanas sa akin. Hindi kinaya ng Meralco." Natawa ako habang naglalakad dahil nakakatawa naman talaga. Ang sama ng tingin niya ng lingunin ako. "Nakakatawa 'yon? Bitin kita patiwarik eh."
Lalong lumakas 'yung tawa ko. Naaabnoy na siguro ako dahil imbes na matakot ay natutuwa pa ako sa paraan ng pagsasalita niya. Ang sabi niya kasi, papatayin niya raw ako. Hindi naman ako naniniwala.
Masiyado siyang maganda para maging kriminal...
Naalala ko rin 'yung ginawa niya sa holdaper, pinatulog niya lang dahil hindi niya kayang patayin. Nangangahulugan lang 'yon na hindi siya masama.
Depende sa kaharap...
Ang talino ko no?
Sinundan ko siya dahil pumasok siya sa elevator. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng magkatabi kami. Maluwag naman pero sinadya ko talaga siyang tabihan. Parang stainless ang elevator kaya kitang-kita ko ang magandang babae sa tabi ko.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan ah?" Maangas niyang tanong. Natawa na naman ako. "Baliw ka ba? Tawa ka ng tawa, gusto mo na ba mag-asawa?"
"Pwede ka ba?" Nakangiting tanong ko.
"Ano?!"
"Wala," tumungo ako at pinigil ang labi kong mapangiti. Kinikilig talaga ako. Bumukas na ang elevator kaya naglakad na ako. Muntik pa akong mabuwal dahil binangga ako ni Boa.
Pasalamat ka crush kita!
Tumigil siya sa room 3087 at pinindot ang pin. Sobrang bilis ng kamay niya kaya hindi ko napansin. Pumasok na siya kaya pumasok na rin ako. Sa palagay ko dito siya nakatira kasi karamihan sa mga dalaga sa condo tumitira. Hindi rin naman siya nag-check in kaya baka sa kaniya 'to.
Namangha ako sa ganda ng loob. Dumiretso ako sa living area, puro salamin ang gilid kaya tanaw na tanaw ang city lights. Ang ganda rin ng kusina at dining area.
"Dito ka nakatira Boa?" Pinagmasdan kong maigi ang lugar, parang walang tao maliban sa amin.
"Hindi," sagot niya. Binuksan niya ang isang kuwarto at pumasok doon.
Naupo muna ako sa upuan at doon ninamnam ang nananakit kong kasu-kasuan. Lumabas na si Boa at pinatay ang ilaw sa kuwarto. "Boa? Sinong kasama mo rito?"
"Ikaw," tinuro niya ako. "Bakit? May nakikita ka bang kasama ko maliban sa 'yo?"
"So dito tayo titira?" Napangiti ang puso ko dahil makakasama ko siya sa bahay. Araw-araw kong makikita ang maganda niyang mukha.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21