Chapter 246: BAD NEWS

104 12 0
                                    

🏰REIVEN🏰

Sa wakas ay natapos na rin ang Opening, dahil kanina pa ako kinakabahan. Nawala ko kasi sila Papa mula pa kanina. Hindi ko na sila matrack at maski sila Manolo hindi na sumasagot. Ang usapan kasi, uuwi rin sila pagtapos non at tatawag sa akin kapag nasa bahay na. Wala pa akong narereceive na kahit ano kaya grabe na ang kaba ko. Dalawang lang ang posibleng nangyari, it's either hindi pa sila tapos o...

Hindi, imposible 'yon! Hindi isang Walter ang tatapos sa mga Papa ko. Malabong mangyari 'yon!

Pero mabait na kasi sila ngayon...

Hindi pwede!

Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas. Magmimeeting lang daw saglit bago sumakay ng bus para bukas. Sa Camp Bridge na ang tuloy namin para sa Day 2. Baka mamaya na raw ilabas ang schedule ng games sa Sports Fest App, kaya pinagreready ang lahat. 

Nahinto kami sa labas ng bus dahil hindi kami pwedeng tumambay sa loob. Sobrang dami pang tao sa loob kaya dito na kami nag-ipon-ipon.

"Okay listen up," ani Coach Limer. Kahit nanood lang kami ay nakakapagod pa rin talaga. "Pakicheck ang mga App niyo dahil doon ipopost ang schedule ng games. Don't forget to bring your uniforms, dahil mag-aayos tayo ng locker room bukas. Naintindihan ba?"

"Yes Coach!" Nananamlay na rin ang iba dahil siguro sa sobrang pagod.

"Reiven? May sasabihan ka?"

"Ahm... Girls?" Baling ko sa mga players ko. Wala sa tamang takbo ang utak ko dahil bothered talaga ako mula pa kanina. "Tayo rin yata ang mag-aayos ng locker room kaya agahan ha? 8 to 5 ang pasok, mas okay kung 7 pa lang nando'n na para hindi magahol."

"Yes Coach!"

"Bukas lang naman dahil sa mga susunod na araw hindi na tayo mag-aayos."

"Yes Coach!"

"Okay na?" Tanong ni Coach Limer. "Concerns meron ba?" Nagtinginan ang lahat bago umiling. "I know you're tired kaya bukas na tayo magmeeting." Pinapasok na ang ibang mga gamit sa loob at pinalalamig na rin ang bus.

"Coach Limer, pwede po bang humiwalay na?" Malapit lang dito ang bahay ni Tito Eugene kaya isasaglit ko na si Alex. Isasabay ko na lang din si Darylle para wala akong iintindihin. Mas madali kasi akong makakauwi kapag humiwalay na kami. Kailangan ko na talagang makausap sila Manolo, dahil nag-aalala na ako.

"Magcocommute ka?"

"May sundo po kami," sabi ko. Tinuro ko 'yung van na dala ng mga tauhan namin.

"Okay sige, sasama mo na si Glydel liit?"

"Pati si Darylle, kung okay lang."

"Sige, no problem."

Tumango-tango ako bago lumapit kina Darylle. "Dalaga tara uwi na tayo," sabi ko. "Darylle ihahatid na kita sa inyo. Binilin ka sa akin ni Tita."

"Hindi na po tayo sasabay?" Tinuro ni Darylle ang bus na sinakyan namin kanina.

"Hindi na, nagmamadali rin kasi ako. Tara?"

"Sige po," inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya.

"Tara na dalaga," baling ko sa bunso namin. Lumapit na siya sa akin. "Coach una na po kami," paalam ko sa mga katrabaho ko.

"Bye Coach!" Sabi ng mga players! "Bye Darylle! Bye Danica!"

"Babay!" Sabi ng bunso namin. Good mood na good mood yata siya ngayon. "Kuya uuwi na tayo sa bahay ni Papa Mambs?"

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon