🏰DARYLLE🏰
"Halika rito," inis kong tawag kay Alex. Talagang ang aga-aga at lunes na lunes ay nakikipag-away siya. At ang pinakamatindi rito, sa lalaki pa. Hindi man lang siya nag-isip na baka patulan siya non, eh ang yabang-yabang pa naman daw nung Sean na 'yon. Nakanguso siya ng humarap sa akin. Hindi kami dumiretso sa quarters para masabihan ko 'to. Kung doon kasi kami pupunta malamang magpapaawa lang 'to kay Coach Reiven. Dito kami sa may gilid nagpunta. "Bakit ka nakikipag-away ha?"
"Siya ang unang nang-away sa akin."
"Hindi ako naniniwala." Iba ang nakita ng mata ko sa naririnig ng tenga ko ngayon. Malamang, si Alex 'to eh. Kesiyo siya man o hindi ang nauna, 'yung kaaway niya pa rin ang paniguradong kawawa dahil lagi siyang nananakit.
"Bakit ayaw mong bumelieve sa akin?" Inasahan ko ng dadaanin niya ako sa pagnguso at pagpapacute. "Wala naman akong nigagawa sa kaniya pero nikukulit niya ako ng nikukulit. Naiirita na ako sa pagpeface niya."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam na magkakilala pala sila ni Sean. "Paanong kinukulit?"
"Nisusundan niya ako lagi."
"Ayusin mo pananalita mo." Kapag ganiyan kasi ang boses at hitsura niya, hindi ko mapigilang hindi maawa sa kaniya. Gano'n siya kagaling umarte. 'Yung kahit alam ko ng nagkukunwari lang siya, naapektuhan pa rin ako.
"'Wag mo na akong pagalitan Darylle, love naman kita eh."
"Hindi, matigas ang ulo mo eh. Lagi mong pinasasakit ang ulo ko." Tumataas na ng kaunti ang boses ko. Napalo ko pa siya sa may tagiliran kaya umiyak. Napapikit na lang ako dahil pang-universe ang lakas ng iyak niya. Nag-eecho ang boses niya sa buong building. "Tumigil ka," saway ko, pero taliwas sa sinasabi ko ang ginawa niya. Lalo niyang nilakasan kahit kaunti lang naman ang luha.
Drama queen...
"Hindi na kita bati. Hindi na kita love. Isusumbong kita kay Mamaw." Parang bata siya ng pinupunasan ang luha niyang nadaan lang sa pilit at papikit-pikit.
"Tumigil ka na," malumanay kong sambit. Baka may makakita pa sa amin at akalain nilang may ginagawa ako kahit wala. Kung makaiyak daig pa ang kinakatay na baboy. "Tahan na," pang-aalo ko. Napanganga ako ng lalo siyang umiyak ng malakas.
"Pare, Bading," lumingon siya sa gilid namin. Nakita ko 'yung magtotropa na naglalakad papunta sa locker room nila. Nanakbo ang pinsan kong hilaw papunta sa kanila. Si Guione dapat ang yayakapin niya pero umatras kaya si Matthew ang nabiktima. "Pare, nipagagalitan niya ako 'tsaka nipapalo," sumbong niya.
Napabuntong hininga na lang ako. "Hoy dito ka," sabi ko. Hindi magandang tignan na nakayakap siya sa lalaki. Wala talaga siyang kadala-dala sa kahit anong pagalit. Pasok sa kanang tenga at lalabas sa kaliwa.
"No no yow! Ayoko na sa 'yo! Nipagagalitan mo ako!"
Naglakad na ako palapit at pinilit siyang hilahin. "Kasi ang tigas ng ulo mo." Ayaw niya talagang bumitaw.
"Okay lang," ani Matthew.
"Sa akin hindi okay 'yan." Hinawakan kong mahigpit ang kamay niya para maalis ko sa pagkakayakap niya. "Isusumbong kita." Umiyak na naman. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kaniya. Masiyado na siyang nagiging makulit at suwail. "Dito na," ako na lang ang yumakap sa kaniya. "Sige doon na kayo," sabi ko kina Matthew. Mukhang hindi rin magaganda ang gising nila, mga nakabusangot eh. Hinantay ko munang makalayo sila bago ko siya pinagsabihan ulit. "'Wag kang basta yakap ng yakap. Ang sagwang tignan Alex, makinig ka sa akin hindi ako nagbibiro."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21