🏰CASSEY🏰
Nag-eenjoy naman ako sa kakanood, kahit na inuutusan lang ako ng mga epal na 'to. Actually, hindi naman 'yon utos na kagaya ng ginawa sa akin ng Mina na 'yon noong nakaraan. It's like pasuyo naman but it's the same right? Pasuyo and utos are the same, nagkakatalo lang sa paraan ng pagkasabi.
Am I right?
Hindi pa tapos ang second quarter, kaya hindi pa nakakakaba ang lamang. Lima lang naman 'yon kaya okay lang. Mahahabol pa naman 'yan dahil mahaba pa ang oras. By the way, lamang ang mga naka-green, dahil nahihirapan sila JC sa kanila. Ang lalaki kasi nila compare sa mga taga-KU. Mga foreigner silang lahat, 'yon ang napansin ko dahil sa surname nila sa jersey. Sinesend ko kay Sydney lahat ng makita kong gwapo. Tinandaan ko ring maigi ang pangalan ng first five ng FU. Ang iba nastalk ko na pero 'yung iba hindi ko makita. Nakaprivate yata ang account nila.
Feeling famous...
Tumigil ang game dahil may isasub na player. 'Yung San Agustin, ipapalit kay Alcantara. Pumasok na 'yung Guione sa loob ng court at lumabas naman itong Kapitan nila. Inabutan ko siya ng towel and gatorade.
"Thank you," aniya at pinunasan ang basang katawan. Itong isang 'to, gwapo at malakas ang dating. Kaso medyo bad boy na may pagkashy type nga lang ang awra. Suwertihan na kung tumawa. Pogi naman talaga sila, bumad shot lang sila sa amin, dahil sa pinag-gagagawa nila kay Alex noon. Idagdag mo pa 'yung nasirang lobo. Pinagtanggol pa nila 'yung disgrasiyadang babae na 'yon.
Buti nga...
Joke!
"Luke anong nangyari?" Agad siyang nilapitan ng Coach nila na mukhang hindi natutuwa. "Okay 'yung laro mo kanina, anong nangyari bigla? Natatakot ka na naman tumira. Kanina okay na eh, imbes na ishushoot mo na ipapasa mo pa sa iba. Kaya kayo naaagawan eh."
"Sorry Coach," ani Luke. Tama ang Coach nila, halatang kabado siya dahil nakita kong nanginginig ang kamay niya.
"Ayoko ng sorry, ayusin mo 'yang laro mo. Ayoko ng ganiyan."
Tumango lang si Luke bago siya iniwanan ng Coach nila. Nakatayo ito sa gilid at nakapamewang. Panay ang instruct niya sa players ng gagawin pero pumapalpak talaga. Hindi ko alam kung anong problema nila.
"Go Jason!"
"Yessir!"
"Aaaaaa!"
Nagtilian ang lahat ng makapasok ng three point shot itong si Jason. Siguro, sa kanilang lahat siya ang nagsastandout sa ngayon, at itong si Jimenez. Kasi itong bata ni Sydney, iilan pa lang ang nagagawa eh. Hindi nakakaporma si Yixing sa mama ng mga Ulupong.
"Go Jason," nakicheer na rin ako. Gusto ko sanang puntahan sila Kendrick dahil nakita ko sila sa bandang taas kanina. Panay din ang tili nila, kahit sumasablay pa ang tira. Ang alam ko wala silang laro ngayon kaya manonood lang sila ng mga games. At dahil rin sa kanila, nakita ko sina Ace na nando'n sa medyo taas nila. Hindi ko alam kung nandito ba sila para suportahan ang pinsan niya o nandito lang siya dahil kalaban siya.
I don't know...
"Ate Cassey? Nasaan sina Ate Darylle?" Tanong ni Yohan.
"Wala eh, may laro kasi sila mamaya."
"Ay weh?"
"Oo, tayo rin mag-aassist sa kanila."
"Ah yes! Mapapanood ko si Ate Danica." Buti na lang may galang na siya ngayon. Noong nakaraan kasi Cassey lang tawag sa akin nito eh.
"Crush mo?" Nahihiya siyang tumango. "Hanap ka na lang ng iba. May iba na 'yon."
"Sino po? 'Yung naghatid sa kaniya kanina?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
قصص عامةContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21