🏰KENDRICK🏰
Kanina pa nagsisimula ang makapigil hiningang Bracket Picking. Normal lang naman na kabahan, dahil sa pagkakataon na itey mo malalaman kung sino ang makakaharap mo sa unang yugto ng pakikipag-jumbagan. Parang bola sa lotohan ang dating ngayon. Nakalagay sa isang clear na babasagin ang mga bola na may mga logo ng school. Siyempre sampu 'yon dahil sampung team ang magsasabunutan para sa trophy na pinakita kanina. Doon nakatutok ang camera kaya lahat kami ay Jumbotron nakatingin.
GG sa mga nasa baba! Ngawit at literal na look up! Makabali ng leeg bhie!
Kasalukuyan ng pinipili ang pang-team sports. Sila ang hinuli dahil mas magagamit ang bracketing dito. Sa mga sports kasi na pang-single lang like chees or gymnastics wala ng bracket-bracket. Lahat 'yan makakalabern mo.
So kapag single ka, alam na? Kapag taken naman, mag-team sports ka. Look at me, nasa Volleyball ako kasi taken na ako ng mga Papwa ko.
And I, thank you! Mwah!
So ayon na nga, hahatiin sa dalawang bracket ang mga magjujumbagan. So obviously, may limang team na sa isang bracket. Ang lahat ng makakabracket mo ay makakalabern mo para sa unang round. Siyempre, after non ay may mabubuong ranking. Ang ranking ay babase sa standing ng team niyo, kung ilan ang panalo at ilan ang talo.
Gets?
Kapag 'di niyo nagets ulitin niyo! Lutang siguro kayo...
Ang nasa panglimang spot ang mafafall or malalaglag. Kapag puro kayo olats, malamang ligwak ganern na kayo!
Apat na team lang per bracket ang makakapasok sa round 2 or Quarterfinals. Agad-agad, dahil saglit lang 'to! Sa round 2 naman, isa sa mga kabracket niyo ang makakalaban niyo. Do or Die ang match na 'yon pero twice to beat ang rank 1 ng mga bracket.
Paanong twice to beat?
Example...
Kunwari, kami ang rank 1 sa Bracket A. Kunwari, ang makakalaban namin ay WVU. Twice to beat kami kaya kailangan nila kaming talunin ng dalawang beses para makapasok sa next round. Hindi pa, Do or Die ang match na 'yon. Pero kapag kami ang nanalo sa laban, antimano pasok na kami. Pero kapag natalo nila kami, may isa pa ulit na laro dahil twice to beat nga mga te. 'Yon ang magsisilbing Do or Die match!
Dalawang team lang ang matitira sa bawat bracket at the end of the round. So bali apat na team ang mananatili sa labern. Sila ang papasok sa round 3 or Semifinals. But this time, ang makakaharap niyo sa Do or Die match ay mula na sa kabilang bracket. Depende 'yon kung sino ang maiiwan sa kabila. Sa huli, dalawang team ang makakapasok sa finals, best of three pa rin yata mga te. So meaning, first to get two wins ang labanern. Sila ang magjujumbagan para sa gintong medalya. Ang dalawang team na natalo sa semis ay maglalaban para sa bronze medals.
Gets niyo na?
Balik tayo sa katotohanan...
Nagtitilian na ang mga kababaihan dahil nasa Volleyball girls na. Apat na lang ang natitira, Volleyball girls and boys tapos Basketball girls and boys. Kami na lang ang hindi pa naigugrupo. Kasalukuyan ng binobola ang unang team na makakasama sa Bracket A.
"For Volleyball Girls Bracket A," ani Ma'am Nicolai. Sila kasi ni Sir Raul ang emcee ngayon. Siya ang nakatoka sa bracket A at si Sir Raul naman sa bracket B. Huminto na ang bola at napunta sa medyo taas ang isa. Para 'yung hinigop ng hose na puti. Pare-parehong puti ang bola kaya hindi mo malalaman kung anong team 'yon, unless babasahin. "We have Purple Cranes of St. Paul University." Nagpalakpakan ang lahat.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21