Chapter 226: OPENING 3 (SFD1)

117 12 0
                                    

🏰KENDRICK🏰

Talagang hindi na namin maitago ang excitement dahil sa mga ganap. Nakakaloka talaga dahil nakakakaba na nakakaexcite ang dating nito sa amin. Talagang makapanindig balahibo ang mga tilian. Plus nagkalat pa ang mga gwapo.

Wala na...

Finish na!

Ubos na naman ang budget ko nito panigurado!

Pero ayos lang, busog na busog naman ang mata ni Diyosang Bautista dahil sa mga nagkalat na Papwa. Talaga namang hitik na hitik sa muscles ang mga shoulders nila. Nasa unahan na ang pambato namin sa Mr. and Ms. Sports Fest.

May laban 'to!

Ang halay kasi ng suot ni Lola Yiren niyo. Naka-Over knee long boots pointed belt thigh high boots siya na gray. Naka-sexy side buckle shorts din na itim kaya kitang-kita ang mapuputi at mahahaba niyang hita. Ang top niya ay Halterneck hanky hem crop top na gray din. Kulot pa ang buhok niya at iniheadband din ang telang itim. Pulang-pula rin ang labi kaya ang gwanda-gwanda niya talaga. Lalo tuloy siyang naging sexy dahil sa red matte lipstick.

At ang Papwa Yixing niyo?

Ayan sumisilip ang abs sa gilid!

Jusko mahabagin! Ako ay patawarin!

Paano ba naman kasi, naka-gray sleeveless muscle hoodie ang Papwa niyo kaya kitang-kita ang abs niya sa gilid dahil deep cut nga 'yon. Sumisilay tuloy ang pandesal na dapat ay kanina niya pa sa akin pina-almusal. Nakatali sa noo niya 'yung itim na tela tapos nakasuot pa sa kamay niya 'yung baller ng KU. Naka-multi pocket cargo jogger pants siya na black at combat shoes na gray din.

Panay ang kantiyaw namin kay Sydney pero nananahimik lang siya sa gilid. Pulang-pula na silang dalawa ni Yixing kanina dahil sa pang-aasar namin. Pareho silang hindi makatingin sa isa't-isa. Nahinto lang kami ng magsimula na ang program. Ang Lola Alex niyo mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. Kanina pa nakakunot ang noo niya sa hindi namin malaman na dahilan. Kanina kasi nakapag-jamming-jamming pa kami dahil pwede naman manggulo, basta 'wag lang papahuli.

Bumukas lang ang Jumbotron dito sa Arena 1 ng lumabas ang mga taga-Camp Bell. Sila kasi ang mauunang lumabas kaya naghanda na sila bago pa magsimula ang program. Sa Jumbotron namin nakikita ang nangyayari sa loob ng Open Arena.

Kasalukuyan silang umiikot sa oval kasama ang Muse and Escort nila. Naglabasan na rin ang mga leon dahil sila na ang susunod na lalabas. Nakakalahati na kasi ang mga kayumangging Taipan.

"And next, from our very own school. Mga Pulang Leon! Sigaw!" Sabi ni Sir Raul na medyo yummyte din. Teachers ang mga host. Nakikita ko na 'yan sila dati.

"Camp Bridge!"

"Go Red Lions!"

"Ang ikalawang kalahok, Camp Bridge University's Red Lions!" Anunsiyo ni Sir Raul.

"Wooooh!"

Kitang-kita ang pagpasok ng mga nakapula sa Arena, na pinangungunahan ng panlaban nila sa Mr. and Ms. Sports Fest. Nando'n din ang paper maché nila ng red na lion. Hindi naman sa pagiging bias pero 'yung sa amin ang pinakamaganda.

Galing ni Lola Alex...

Ang babaitang 'to napakatalented. 'Yung tipong nasa kaniya na lahat, beauty, brains and talent, ang kaso may problema talaga siya sa attitude at behavior. Doon siya talo. Doon kasi talaga nasisira ang mga tao.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon