🏰ERIC🏰
Hindi na ako bumalik sa higaan dahil baka tanghaliin ako. Ang sabi pa ni Papa dati, kapag nagising na, bumangon na, dahil malakas daw makatamad 'yung gising ka na tapos matutulog ka pa. At napatunayan ko naman 'yon, noong bata kasi ako nalate ako dahil natulog pa ako, kaya 'di na ako umulit.
Nadala na...
Nilabas ko na ang baboy galing ng freezer. Binabad ko na rin 'yon sa tubig para lumambot na. Hindi ko alam kung anong gusto nilang luto rito. Tatanungin ko na lang si Ganda dahil siya lang naman ang medyo mapili sa pagkain.
Si Mother Uji mukhang natulog pa dahil sabi niya kapag binalik daw ni Alex ang cellphone niya icharge ko. Si Sean naman nasa sala at panay na rin ang dutdot sa phone niya. Kanina pa nakakunot ang noo niya dahil niyakap na naman ako ni Ganda. Galit na galit na naman sa akin, pero hindi ko na lang pinapansin. Magkakagulo lang kami kapag pinatulan ko pa.
Lumabas muna ako para silipin si Ganda. Nakasarado pa rin ang kuwarto niya, nakikipag-usap pa rin siguro kay Tita. Nagulat talaga ako nang marinig ko siyang umiiyak kanina, kaya nataranta ako at pumunta sa kuwarto niya. Nakasalubong ko si MU at si Sean na mukhang mas nauna pa sa amin, pero takot lang pumasok.
Inayos ko na lang muna ang mga throw pillow, dahil naiwang magulo ng mga bata. Hindi naman kasi mahigpit si MU pagdating sa paglilinis, lalo na 'pag may pasok.
"So how's the hug?" Nakangising tanong niya. Nainis ako kasi hinulog niya pa 'yung throw pillow sa lapag. "You like it?" Hindi ko siya pinansin at dinampot na lang ang throw pillow sa baba. "Hey, tinatanong kita."
"Hindi mo magugustuhan ang sagot." Lalo akong nainis ng guluhin niya 'yung inayos ko. Napabuntong hininga na lang ako habang pinipigil ang inis ko. Tatamaan sa akin 'to, 'pag 'di 'to huminto.
"Sorry," sabi niya kahit sinadya niya naman. "So ano nga? How's it? Share mo naman."
"Hindi mo nga magugustuhan ang sagot."
"So masarap?"
"Malamang," mabilis kong sabi bago binato ang throw pillow. Hindi ko na inayos dahil guguluhin niya lang din naman.
"Nagdadabog ka ba?"
"Nang-aasar ka ba?" Sinagot ko siya ng tanong. Ang kapal ng mukhang tanungin ako kung nagdadabog ako, eh hinuhulog niya sa lapag.
"Hindi," nakangising sagot niya.
"Hindi rin," sagot ko naman. Ginaya ko lang ang sinabi niya. Kung naiinis siya dahil ako niyakap siya hindi, 'wag siyang magalit sa akin. Hindi ko naman kasalanan kung ako ang gustong yakapin ni Ganda. "'Wag mo akong simulan."
"Takot naman ako."
"Ang aga Sean, nananahimik ako rito."
"Ano bang ginagawa ko sa 'yo?" Tumayo siya at tinulak pa ako. "Ang yabang mo ah." Maangas niya akong pinasadahan ng tingin niyang nangmamata na naman.
"Ano nga bang ginagawa mo?" Akala siguro niya hindi ko siya papatulan, na kung tutuusin kayang-kaya ko naman siyang bugbugin, pero dahil alam ko kung anong tama hindi ko gagawin.
"Yabang mo ah," tinulak niya pa ako kaya napaatras ako.
"Hoy!" Sabay kaming napalingon sa gilid. Nakita namin si Ganda na ang sama-sama ng tingin kay Sean. "Bakit mo inaaway si Eric?" Nilapag niya ang cellphone ni MU sa gilid.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21