🏰ALEX🏰
Nagulat ako nang makita ko ang bwiset na babaeng 'to. Iba pa ang paraan niya ng pagtingin kay Eric, parang naglalakit at punong-puno ng pagnanasa. Sinulyapan ko ang espasol na parang asong ulol kung makangiti. Hindi ko alam kung anong gusto nilang palabasin sa ginagawa nilang 'yan.
Ano kami nasa showbiz?
Labanan ng love team?!
"Anong ginagawa ng pangit na 'yan dito?" Hindi ko napigilang hindi magreklamo. Hindi ko inaasahan na magkikita pa pala kami ng makating 'yan.
"Dito na ako titira," sagot ng pokpok.
"Eh di wow," sabi ko sabay tawa. Mangangarap na lang hindi pa sinulit. Ang dami-daming mas magandang bahay dito sa mundo.
"It's true."
"Kuwento mo sa pagong." Kinalabit ko si Eric at ngumanga. Nagugutom na talaga ako mula pa kanina. Hindi kasi ako nakapagpacute sa mga Papa namin dahil ang iinit ng mga b*yag. Wala silang lahat sa mood kaya hinayaan ko na. Gano'n talaga siguro kapag kumukunat na.
Pagbigyan...
Minsan lang naman...
"Oh nandiyan na pala kayo." Lumabas si MU mula sa kuwarto niya. Kahit kailan ang sarap niya talagang bara-barahin. Nakita na ngang nakasapasok na, babanatan pa ng 'Oh nandiyan na pala kayo'.
Buti na lang talaga tinamad ako!
"Good evening Uncle," bati ng espasol. Hindi talaga nakikinig, sinabi ko ng Auntie ang itawag kay MU eh, ang tigas ng bungo!
"Magandang gabi," nginitian ni MU ang bwiset na kasama ng espasol. "Siya ba 'yung sinasabi mo?"
"Yes Uncle," tumango ang pangit. "Her name is Liezel." Binalingan ng espasol ang kasama niyang pokpok. Hindi na ako nagulat na magkasama ang dalawang 'yan, baka pareho na namang nangati at nagkamutan.
Birds with the same feathers...
Flock together!
"Good evening po," nagpasiklab din ang pokpok. Kung makangiti akala mo anghel na galing sa langit.
"Hello, ang ganda naman." Pinuri at nginitian pa siya ni Mother Uji.
Naging matunog ang pagngisi ko kaya napalingon silang lahat sa akin. Gusto kong isuka lahat ng kinain ko. "Maganda 'yan? Saan banda?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Pangit...
Sobrang pangit...
"Thank you," sabi nitong bwiset na 'to habang nakatingin sa akin. Nang-aasar talaga ang luka. "Hi Eric," kinawayan niya pa ang Baby ko. Inapakan ko kaagad ang paa niya, subukan niyang ngitian ang pokpok na 'yan at makakatikim talaga sila sa akin.
"Aray," sabi ni Eric. Sinilip niya pa ang paa niyang inapakan ko. Pinandilatan ko siya ng mata kaya nanahimik. Nanlilisik ang mata ko nang tignan ko si Liezel na pinipigil ang ngiti.
"Magkakakilala ba kayo?" Takang tanong ni MU.
"Yes," sagot nilang dalawa.
"Hindi," mataray kong sagot. "Pero nakita ko na sila dati." Umirap ako bago pinagpatuloy ang pagkain. Iniangkla ko ang kaliwang paa ko sa kanang paa ni Eric. "'Wag kang tatayo diyan," banta ko. Nanggigigil talaga ako. "Bakit ba nandito 'yan?"
"Dito na siya titira," ani MU. Pinigil kong maigi ang inis ko, kahit na naghuhumiyaw na ang b**bie ko. "Kaanu-ano mo ba 'yan Sean? Hindi ba tayo magkakaproblema diyan? Kasi 'di ba may girlfriend ka?" Medyo nag-aalangang tanong ni MU. Napapakamot siya sa ulo dahil sa gulong hatid ng espasol na 'to.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21