🏰ERIC🏰
Kasalukuyang kumakain ang mga kamag-anak ni Mother Uji. Sila ang pinagamit namin ng mesa dahil sila ang bisita at kami ang tag-bahay. Kami ng mga bata, kumain sa sala dahil hindi kami kasiya roon sa lamesa. Pang-walong tao lang kasi talaga 'yon, sakto lang para sa magulang ni MU, sa kapatid niya at sa asawa nito, idadag mo na rin ang dalawa nilang anak at 'yung Mina, na girlfriend ni Sean.
Mabilis ang naging pagkain namin ng mga bata, dahil na rin sa hiya. Mamaya na lang kami babawi kapag nakaalis na ang kamag-anak ni Mother Uji. Nakakahiya naman kasing kumain ng sobra, maarte pa naman ang mga kasama. Hindi natupad ang surprise namin para kay Mother Uji, dahil sinaalang-alang namin ang pamilya niya. Mamaya na lang din siguro kami magcecelebrate kapag wala na sila.
"Who cooked this?" Tanong ng Mama nila MU. Sila Buknoy nakaupo sa sala at nagpapanggap na hindi makulit. Kahit sila ang naunang kumain, sila pa rin ang nahuli dahil maarte nga kumilos.
"Ako po," sagot ko. Bahala na kung magreklamo, hindi naman ako professional na chef para maging perfect ang luto ko. At isa pa, depende rin 'yon sa kumakain. Iba-iba kasi ang preferences ng mga tao.
"It's delicious," sabi niya habang hindi inaalis ang paningin sa pagkain. "Culinary arts ba ang kukunin mo?"
"Yes po," tumango ako. Kagagaling ko lang sa kusina. Naghugas ng pinagkainan namin.
"Why?"
Napakurap ako. Masiyado na kasi silang usisero. "Dahil po sa Papa ko, chef po kasi siya, kaya nahilig na lang din."
"Anong totoong trabaho ng parents mo?"
"Ang Mama ko po, namatay sa panganganak, kaya si Papa na lang po ang nagpalaki sa akin. Cook po siya sa bahay nila Alex. Doon lang po siya nagluluto."
"Bakit doon?"
Natigilan ako, dahil sa tono ng tanong niya, nangmamaliit siya. "Dahil malaki po ang sahod niya ro'n."
"Really?"
"Opo," tumango ako. Malaki naman talaga ang sahod niya ro'n. Kaya nga nakapasok ako ng Camp Bridge, dahil ang tuition ko kayang bayaran ni Papa ng isang sahuran lang.
"Kaninong family?"
"Confidential po," diretsahang sagot ko.
Tumaas ang kilay niya. "Who's Alex? Kanina ko pa naririnig ang pangalang 'yan."
"Siya po 'yung boarder naming babae." Tumango-tango lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Tapos na sila Sean kumain at nagcecellphone na lang. 'Yung mag-asawa na lang ang kumakain sa ngayon.
Pumasok ako sa k'warto ni Alex dahil nando'n si Umbag. Nakatulog kasi siya. Napagod yata sa biyahe. Inihiga ko muna sa stroller, dahil baka magalit si Ganda kapag inihiga ko sa kama niya. Inayos ko ang electric fan, baka sigawan ako ni Alex kapag nainitan 'to. Napapikit ako ng masagi ko ang laruan ni Ganda, kaya nahulog. Dinampot ko 'yon at inayos ang pagkakasalansan.
"Gising ka na?" Nakita ko siyang nakaupo na. Inalis ko na ang shades niya dahil nahihirapan na. Tinahulan niya ako bago kinagat ang shade at inaabot sa akin. "Gusto mong suotin?" Para siyang tumango, kaya sinuot ko. "Labas tayo?" Nagtatahol lang siya. "Wait lang..." Inayos ko muna ang mga gamit niya. Inalis ko na rin ang leash niya, dahil nakasakay naman siya sa stroller. Maayos naman ang sapatos niya at ang damit. "Tara na, lalabas na tayo." Itinulak ko na lang ang stroller niya palabas. Naabutan ko ang mga bata na nagliligpit na ng mesa. Nasa sala na ulit ang mga kamag-anak ni Mother Uji.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21