Chapter 340: KU VS. CBeU 2 (SFD5)

85 12 3
                                    

🏰LUKE🏰

Hindi pa man lang din nagtatagal ang laro ay nagkakainitan na kami sa loob. Nakakadismaya kasi 8 points na sila samantalang kami wala pa kahit isa. Kaya lalong tumitindi ang pang-aasar nila sa amin na umeepekto kahit hindi namin gusto. Mukhang hindi namin mapapanindigan ang sinabi sa amin ni Coach Limer, dahil nagsisimula pa lang ang laro pero nagtatrashtalkan na kaagad.

Yayabang kasi!

Buti sana kung mga gwapo...

Kasalukuyan kong dinadala ang bola, kailangan na naming makascore dahil tatambakan nila kami 'pag hindi pa namin nabutas ang basket sa pagkakataong ito. Sobrang hirap kumawala sa kanila, dahil para silang mga totoong ahas na pumupulupot sa katawan mo para hindi ka makagalaw.

"Vasquez," tawag ko kay Jason. Sa kaniya ko pinasa ang bola, dahil siya ang libre. Naghiyawan ang mga lobo nang pakitaan ni Vasquez si Cruz ng dribbling skills. Hindi niya naman intensiyon na magyabang, sadyang kailangan niya lang 'yung gawin para maitaguyod ang bola papunta sa loob.

"Nice," sabi ko dahil naidiretso niya ang bola sa loob. Nakapasabit pa ng foul, dahil sinalubong siya nung Chinese at Koreano. Nag-apir-apir kami nila Yixing.

"Galing ni supot ah?" Pang-aasar nung Cruz kay Vasquez. Kanina pa rin sila nagkakaasaran, mabuti na lang kalmado lang 'tong si Jason.

"Easy man," sabi naman nitong Imperial sa kateam niya. Sa kanilang lima siya ang pinakanakakasura sa lahat. Nabantayan ko na siya kanina kaya alam ko kung gaano kabastos ang bunganga niya. Mabuti na lang Forward siya at Guard ako kaya hindi kami masiyadong magkasabay.

"Yabang eh," aniya. Kung makapagsalita ng mayabang akala mo naman sila hindi. Eh saksakan din naman sila ng kahambugan. At isa pa, hindi naman kayabangan 'yung pinakita ni Jason. Normal lang na magdribol dahil nagbabasketball.

"Aaaaaa!" Nagtilian ang mga nanonood ng masuwerteng naipasok ni Jason ang bola. Muntik pang lumuwa, dahil umikot 'yon sa ring.

"Hirap," narinig kong sabi ni Yixing. Nahihirapan na talaga siya ro'n sa loob, dahil ang lakas sa balyahan ng mga Taipan. Mapa-Guard man o Forward kumakamada.

Kami naman ang nagbabantay sa kanila sa ngayon, dahil nasa kanila ang bola. 'Yung Reyes ang nagdadala ng bola sa ngayon. Si JC ang nagbabantay sa kaniya, at ako naman dito sa Koreano nakatoka. Si Yixing doon sa kapwa niya Chinese, si Matthew naman doon sa Imperial at si Jason doon sa Cruz.

"Rico!" Tawag nung Reyes doon sa Imperial. Huli sana ni Matthew ang pagpasa ng bola pero natapikan din siya kaagad.

"Asa boy," sabi nung Imperial. Ngising-ngisi siya. Saksakan ng kahambugan. Nahanap niya ang sentro nila at pinasa ro'n ang bola. Idinakdak niya ang bola sa ring.

"Woah!"

"Go Denver!"

"Camp Bell!"

"Panis," sabi pa nito kay Matthew. Mabuti na lang mahaba talaga ang pasensiya nitong si Matthew, kaya tama lang na sa kaniya natapat 'yan. Kung sa akin 'yan, nako baka nakarinig na 'yan ng hindi maganda.

"Yabang non," sabi ni JC. 'Yung Imperial ang tinutukoy niya. Magkasabay kaming nananakbo pabalik sa court namin. Si Yixing ang nag-in bound ng bola. Nahinto kami dahil pinagtutulungan na nila si Yixing. Basta na lang inihagis ni Yixing ang bola. Sakto namang sa amin ni JC natapat kaya muntik pa kaming mag-agawan. Sa huli, si JC ang kumuha ng bola at sinamantala ang pagkakataong abala ang mga Taipan sa pagbabantay.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon