🏰GUIONE🏰
Bumaba na kami at dumiretso na sa Screening Area. Chinecheck lang namang maigi ang medical records namin, at ang iba pang requirements. Nacheck na 'to pero chinecheck pa 'to ulit bago magsimula ang unang laro niyo sa isang season. Magpipictorial pa kasi after neto. Gaya ng screening, ang pictorial ay isang beses lang sa isang taon ginagawa.
Kinapkapan kaming lahat habang papasok sa loob. Kasalukuyan ng kinukunan ng litrato ang ilan. Bawal ngumiti, dapat fierce or maangas lang ang dating. 'Yung iba nga blank lang ang expression. Mabilis lang naman 'to pero nagtagagal dahil kay JC, panay kasi ang tawa niya kaya hindi siya makuha-kuhaan. Sinisisi niya pa si Yixing, dahil pinatatawa raw siya kahit hindi naman talaga. Hinuli tuloy siya dahil ang tagal na talaga.
"Luke si Marco?" Tanong ko sa Kapitan namin habang naghahantay sa iba na matapos. Nakaupo kami sa upuan habang hinahantay ang ibang mga kateam namin na matapos.
"Hindi pa nahahanap," sagot niya. Nalungkot na naman tuloy kami. Nakita ko kasi sina Tito Alejandro kahapon na pumunta sa bahay nila. Nakuwento naman na ni Luke ang tungkol sa nangyari kahapon. Pinakuwento lang naman daw sa kaniya 'yung nangyaring pag-uusap nila ni Marco noong nakaraan. Wala raw kasing makuhang lead kung nasaan si Marco. Wala naman daw kumocontact sa kanila na kidnappers na nanghihingi ng ransom, kaya lalo silang kinakabahan. Hindi rin daw tumatawag si Marco sa kanila.
"Nasaan kaya 'yon?" Ani Matthew. Sinandal niya ang ulo sa pader at bahagyang tumingala. "Hindi naman tumatawag sa akin."
"Lalo naman sa akin," sabat ko.
"Hindi siya makakatawag dahil 'yung cellphone niya na kay Tito Alejandro na," ani Luke. Sabay-sabay kaming napabuntong hininga. "Tapos na?" Tanong ni Luke kay Samuel.
"Si JC na lang," aniya sabay tawa. Pinanood namin lahat si JC na nagpipigil pa rin ng tawa. Pati tuloy 'yung may hawak ng camera nahahawa na sa tawa ni JC. "Ano ba kasing tinatawa-tawa niyan?"
"Ewan ko diyan," ani Yixing. "Pinapatawa ko raw siya, eh wala naman akong ginagawa."
"Sa wakas, natapos din." Iiling-iling si Coach Limer habang naglalakad si JC palapit sa amin. "Kain oras ka Lopez. Tawa ng tawa, gusto mo na bang mag-asawa?"
"Si Yixing kasi Coach," tinuro niya na naman ang kaibigan.
"Ako na naman?"
"Enough na," awat ni Coach. "Tara na sa locker room."
Dumiretso na kami sa locker room dito sa Gym. Iba ang locker room namin sa locker room dito. Ang locker room na 'to ay para lang sa maglalaro. Dito kami magbibihis mamaya 'pag malapit na kaming maglaro at dito na rin kami magpapalit.
Namili na kami ng papatungan ng gamit namin at isa-isa ng naghanda para makapagpalit ng damit. Nakajogging pants kami at jacket ng KU. Kapag labas namin dapat naka-jersey na pero may warmer pa rin dapat. 'Yung black ang gagamitin namin dahil nakagreen ang mga taga-FU. 'Yon kasi ang napag-usapan. Black na warmer din ang isusuot namin, terno sa color ng jersey na susuotin namin.
Nag-umpisa na kaming magpalit ng uniform. Huminga ako ng malalim habang sinusuot ang jersey namin. Inayos kong maigi ang mga panloob ko dahil mahirap kung sa court ko pa aayusin 'yan. Tinuck in ko na ang pantaas at hinigpitan ang pambaba. Lumabas na ako at kinuha ang warmer ko. Humarap ako sa salamin, at siyempre nagpicture.
Mawawala ba 'yon?
Magpopost muna ako...
"Groupfie," sabi ng maingay naming teammate. Nagpicture-an muna kami at nagbiruan para mabawasan ang kaba. "Luke ano na? Namumutla ka na naman?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21