🏰SYDNEY🏰
Magkakasabay kaming naligo, pero siyempre bukod-bukod naman ng cubicle. Nagkakantahan kami at nagsasayawan sa loob, dahil nagpapatugtog si Yiren habang naliligo kami. May dala rin siyang drive, manonood daw kami ng movie. Wala naman na kaming gagawin at wala rin kaming balak manood ng game. Round 1 pa naman kaya hindi pa masiyadong exciting ang mga laro. Sila Kendrick din wala pang schedule kaya dito muna kami sa locker room, tatambay. Ito na rin ang pinakapahinga namin, dahil Pagoda Johnson talaga kami sa laro kanina.
But it's okay...
Worth it naman...
Sabay-sabay kaming lumabas sa cubicle. As usual, hindi makukumpleto ang mga gawa namin hangga't hindi kami nagmamy day.
Picture muna...
Sobrang cute naming tignan dahil iba-iba 'yung kulay ng bathrobe namin. Inalis namin ang mga towel sa ulo para wet look ang dating. At hindi rin mawawala ang liptint, para mas maganda.
"Hoy 'yung mga cle*vage niyo," ani Ate Yngrid. Hindi naman kita 'yung sa akin pero inayos ko na rin, habang nakikitawa. Lalo akong natawa ng makita ko si Alex na nakangiwi habang nakatingin kay Darylle. Inaayos niya kasi 'yung robe niya.
"Luh may d*de ka?" Yumuko pa siya at tinapat ang mukha sa dibdib ni Darylle. "Wala ka ngang dibdib, umaasa ka pang may cle*vage ka?"
"Ikaw kanina ka pa," pinaghahampas ni Darylle si Alex. Pinagtatawanan lang namin silang magpinsan.
"Ikaw din, kanina mo pa ako pinapalo."
"Kanina mo pa rin ako binubwiset eh."
"Eh nacucute-an kasi ako sa 'yo." Lalo kaming natawa dahil sinabi niya 'yung laging pinapalusot ni Coach Reiven, 'pag pinagtatawanan namin siya.
"Cute mo mukha mo," lumayo na si Darylle sa kaniya. Doon na siya sa may kanang part, sa tabi nila Ate Yngrid.
Yumuko si Alex at hinawakan ang dibdib niya. Nagulat pa kami dahil hindi man lang siya nag-alangan na gawin 'yon sa harap namin. Dalawang kamay pa ang gamit niya. "Hala b**bie oh, inaaway ako ni Darylle."
Nawala na kami sa wisyo, ang kaninang photoshoot namin ay nauwi na lang sa tawa. Iba talaga kapag nandito si Alex. Hindi ko alam kung intentional ba o unintentional ang pagpapatawa niya. Basta nakakatawa siya, 'yon talaga 'yon.
"'Yan ba ang sikreto para lumaki ang b**bs? Kinakausap?" Tanong ni Yiren. Rinig na rinig ang paghahabol niya sa hininga.
"Hindi ko alam," sagot ni Alex. "Basta lumaki na lang 'to ng ganito."
"Baka nasa lahi," sabat ko. Coca cola body rin kasi 'yung Mama niya, kaya siguro ganiyan ang figure niya.
"Hindi ka nahihirapan tumakbo?" Tanong ni Loona. "Kasi medyo malaki eh."
"Nahihirapan, kasi mabigat tapos maalog," ani Alex. Natawa na naman kami, pero tama naman ang sagot niya. Nakakatawa lang 'yung words na ginamit. "Salamat sa Sports br*." Tinuro niya 'yung mga damit niya. Kinuha niya 'yung liptint ko. "Penga ah?" Tumango naman ako. Pinanood ko siyang lagyan ang sarili niyang labi. Mukhang marunong naman siya. "Pak, ang ganda ko." Sinara na niya 'yung liptint ko. "Panis," sabi niya sa amin. Tinignan niya pa 'yon at binasa ang brand. "Maganda pala 'to? Makabili nga..."
"Bagay sa 'yo," ani Ate Jess. Inayos niya rin ang buhok ni Alex. Nilagay sa likod ang iba at iniwan sa unahan ang natitira. "'Yan magphotoshoot na tayo."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21