Chapter 378: GRAY WOLVES VS. ORANGE FOXES 6 (SFD7)

106 15 2
                                    

🏰DARYLLE🏰

Panay ang kulitan namin nila Loona habang nasa bench. Medyo inaantok na kasi kami, dahil sure win na nga. Forty two lang naman ang lamang namin sa kanila. 4th quarter na rin kaya sa madaling sabi, nag-uubos na lang ng oras. Kumbaga sa pag-aaral, nag-aaral na lang para makapasa at hindi na para matuto.

Kaya papetiks-petiks na lang kami rito. Wala kaming ibang pinagtripan kun'di si Kendrick na nagdurusa roon sa piling ni Mariah. Hindi siya makagalaw dahil panay ang siksik niya ro'n kay Georgina na pinagtutulakan din naman siya.

Hindi na ako makapaghintay na marinig ang hinaing niyang hindi ko alam kung makakayanan ko bang hindi tawanan. Nangangamoy LT na naman kasi 'to, lalo na kung ang hitsura niyang hindi talaga maipinta ang babasehan.

"Ano gusto niyo pa maglaro?" Nakatawang tanong ni Coach sa amin. Nilingon ko ang mga kasamahan naming naabutan kong sumesenyas kina Coach. "Kung may surrender dito ang sarap magsurrender. Ang galit siguro ng mga schoolmates niyo."

"Coach may laro bukas?" Pang-ilang tanong na ni Yiren.

"Wala nga Ate," kunot noong sagot ni Coach. "Ang kulit mo ah? Ilang beses ka ba iniri?" Natawa si Yiren kaya alam niyo na ang nangyari sa mata niya. "Ikalma niyo ang mga puso niyo walang laro bukas."

"Absent tayo," yaya ni Ate Yngrid kay Ate Jessica. Mahina ang boses niya pero narinig ko, namin pala.

"'Yan ang 'wag niyong gagawin," nagpamewang si Coach at iiling-iling. Nagkahiyaan ang dalawang senior kaya nag-iwas ng tingin. "Bawal umabsent, manlilibre kaya ako bukas."

"'Yon!" Sigaw naming lahat. Nabuhayan ang dugo ko ro'n.

"Basta libre oh," ani Alex at may kahulugan na naman kung tumingin.

"Pero tigpipiso lang," biglang kabig ni Coach kaya napanguso kami.

Teka...

Bakit ako ngumuso?!

Natawa kaming lahat nang marealize naming nagkapare-pareho kami ng ginawa. Todo palakpak ang luka-luka at ang lakas talaga ng tawa. Panigurado, bilib na bilib na naman 'yan sa sarili niya kahit wala namang nakakabilib sa nangyari.

Tinulak niya ako kaya muntik na akong maurangod. "Panis ka na naman sa akin, Babe." Kung hindi lang iiyak 'tong Bula na 'to kanina ko pa 'to nabanatan. Nakakayamot na talaga siya paminsan-minsan. Saksakan ng kulit eh.

"Ikaw puro ka panis, panis, wala ka ng ibang sinabi." Umamba akong babatukan siya kaya umusod palayo sa akin.

"Spoiled ka na naman sa akin, Babe." Tumawa siya nang malakas dahil napabusangot ako. Alam na alam talaga niya kung paano paiinitin ang ulo ko. "Sorry na, sorry na," lumapit siya sa akin at mangyayakap na naman.

"Doon ka nga!" Tumayo ako kasabay ng malakas na sigawan. Nagwarning na kasi ang commentator na dalawang minuto na lang ang natitira sa laro.

Tumunog ang buzzer dahil tumawag ng timeout ang kalaban. Naglapitan ang mga kateam naming nagpapasub na sa amin. Umalma rin sina Ate Jessica na tinatamad na raw maglaro.

"Mag-surrender na lang nga tayo," biro ni Coach. "Ayaw niyo maglaro eh."

"Ako na lang Coach." Nagvolunteer na ako dahil may makulit akong gustong takasan. Hindi na naman kasi ako titigilan ng isang 'yan.

Alex pa ba?

"Ako rin!" Itinaas niya ang kamay niya. Sa sobrang tinis ng boses niya nasapawan niya ang iba. "Ako rin Kuya ReiRei!"

"'Wag ka na," inis kong sabi. May binabalak na naman 'tong isang 'to nararamdaman ko.

"Eeeee..." Pinadyak-padyakan na naman ako.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon