Chapter 390: SORRY 1 (SFD8)

99 12 0
                                    

🏰SYDNEY🏰

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nanggaling 'yon sa TV, nanonood kasi sila ng movie. "Ano 'yan?" 'Yung title ng movie ang tinatanong ko. "Ah Jumanji," sambit ko nang mamukhaan ko ang ilan sa mga bida.

"Napanood mo na 'yan?" Tanong ni Loona sa akin. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang araw na 'to. Sandamukal ang mangangata na nakakalat sa paligid. May mga dala ring unan at kumot.

"Oo, kapag nanood ako ngayon pang-apat na beses ko na."

"Ang ganda no?"

"Oo, may Next Level na niyan ah?"

"Meron nga, pero hindi ko pa napapanood. Maganda ba?"

"Oo, ang cute ng plot twist." Totoo naman 'yon, lalo na 'yung nagpalit-palit sila ng katawan. Tapos meron pang mga new avatars na lumabas. "Feeling ko may kasunod pa, pero sa City na."

"Paanong sa City na?"

"Basta, nakalabas 'yung nasa Jumanji. Panoorin mo 'yung last na part."

"Eh di ba nasira na 'yung Jumanji? Sinira nila 'yon noong dulo."

"Inayos ni Spencer." Si Spencer ang bidang lalaki. Siya 'yung lalaking mahilig sa video game.

"Ah..." Marahan siyang tumango. "Pero sila pa rin magkakasama? Nandoon pa rin si Alex?"

"Secret," pambibitin ko. Pangit kasi manood kapag naspoil ka na, pero 'yon naman ang gustong-gusto ng iba. Tapos magrereklamo kasi wala na raw thrill. Parang t*nga lang...

Nalingunan ko si Darylle na abalang-abala sa pagsecellphone. Kunot na kunot ang noo niya na kahit yata daanan ng plantsa hindi na papantay pa. Tumayo ako at lumipat sa tabi niya.

"Hi Buttercup," nagsimula na akong mangulit. Speaking of makulit. "Alex?"

Umiling siya bago lumingon sa akin. "Ewan ko nga eh," aniya. Nakita ko na tinatawagan niya ang pinsan. "Hindi sumasagot."

"Wala pa rito?"

"Wala pa."

"Baka late lang."

"Te mag-aalas nueve na po."

"Oh?" Nilingon ko ang orasan kaya medyo nagulat ako. Tulog kasi ako kaya hindi ko napansin ang mabilis na paglipas ng oras. "Magbebreak na pala."

"Oo nga, pero hanggang ngayon wala pa siya."

"Alam ni Coach?"

"Oo, kaso nasa meeting."

"Na naman?"

"Semis na kasi next week. One game lang 'yon tapos Finals na."

"Sinong kalaban natin?" Naeexcite na kinakabahan. 'Yan ang nararamdaman ko sa ngayon. Excited ako kasi kaunting kendeng na lang Championship Game na. Kabado kasi hindi naman namin alam kung sino ang makakalaban, basta ang sabi sa Bracket A na manggagaling.

"Ewan, hindi pa raw kasi tapos ang sa Bracket A."

"Bakit ang tagal nila? Dapat mauna sila kasi Bracket A sila."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon