🏰DARYLLE🏰
Sobrang saya ko dahil bumalik na yata ang suwerte kong hindi ko alam kung saan napadpad kanina. Lahat yata ng tira ko pumapasok doon sa basket na 'yon. At ang nakabuti ro'n, hindi lang ako ang binuwenas, pati mga kasama ko. Mabibilang lang sa daliri ang bilang ng mintis namin nila Yiren. Hindi na mawala-wala sa labi namin ang ngiti dahil sa tuwa na dulot ng suwerte naming nagbalik na.
At ang pinakamasaya sa lahat, lamang na lamang na kami ngayon. Pinauulanan kasi namin sila ng three points. Kaming apat nila Loona, kaya si Yiren sumubok din kanina. Pumasok naman kayo lalong nabaon ang mga tagak sa ilalim namin.
Malapit nang matapos ang 3rd quarter kaya nagdidiwang na ang mga lobo. Sobrang bilis ng rally ng bola pagdating sa amin at ang mga kalaban naman ay nahihirapan ng pumorma. Hirap na sila sa pagrotate ng bola dahil kaliwa't kanan ang bantay nila. Nakabuo pa kami ng magandang tactic nila Yiren sa loob. Ngayon lang namin nagawa 'to, kaya hindi ko inasahan na magiging matagumpay.
Ang cute lang...
Nandito kami sa court namin dahil nagpifree throw pa si Yiren. Isa 'yan sa nakahatak sa amin. Tumakaw kasi ang kalaban sa foul kaya penalty na sila kanina pa. Puro na rin sila mintis dahil itong Alex namin ginawa ng volleyball court 'tong basketball court. Wala na siyang ibang ginawa kun'di palpalin 'yung babaeng nanapal sa kaniya kanina. Ang pinsan ko naman, mas lalong ginaganahan kaya ayan paulit-ulit niyang ginagawa.
Medyo naaawa na nga ako ro'n sa babae, kasi feeling ko grabe na 'yung pagkapahiya na inaabot niya. Ikaw ba naman supalpalin ng supalpalin, tignan ko kung 'di ka mabadtrip sa sobrang pagkapahiya. At ang masakit pa ro'n, hindi natatawagan si Alex kaya tuwang-tuwa ang bruha. Sinasadya niyang hindi makasabit para lalong badtripin 'yung babae.
"Sydney," nakangusong yumakap si Alex sa kaniya. "'Wag ka na magshoot."
Napangiwi ako at tumingin sa taas. Nakita ko ang mga scores namin. Natawa ako dahil si Sydney na pala ang sunod sa lead scorer namin ngayon. Si Alex ang nasa unahan at malapit na siyang maabutan ni Sydney. Kaya pala sumisipsip ang bruha, takot mawalan ng tatlong pizza. Sa bagay, sayang din naman 'yon.
"Ayoko nga," niyakap din siya ni Sydney kaya para na silang magshota na nagyayakapan diyan sa gilid.
Girlmance...
"Please," pagpupumilit niya. Tinindihan pa ang pagnguso kaya kumunot na ang noo.
"No no yow," ani Sydney sabay tawa ng malakas. Nahawa ako kaya naaktuhan ako ni Alex na tumatawa.
"Kukurutin ko b**bie mo?" Pananakot ni Alex.
"Oo na," mabilis na sabi ni Sydney sabay tulak. Naglakad siya papunta sa akin.
"Yehey!" Nagtatalon na naman siya sa tuwa at nagsasayaw.
Hala...
Sige...
Kung may kumunoy lang dito, ako mismo magpapalapa dahil hindi ko na kinakaya ang kahihiyan na dala ng babaitang 'to. Mabuti sana kung hindi kami pareho ng apelyido. Eh kaso pati umpisa ng pangalan tukayo kami eh.
Isa siyang kahihiyan sa pamilya De Vera...
Kung nandito si Mama, malamang hindi na namin makita ang isa't-isa dahil sa dami ng usok na ilalabas ng tenga niya dala ng matinding galit. Sigurado ako, hindi 'yon matutuwa kapag nalaman niya 'yang mga katarantaduhan ni Alex dito sa Sports Fest.
At kung sila Tito David naman ang nandito? Malamang ichicheer pa nila 'yan. Baka gayahin pa nga nila eh.
"Hoy awat na," saway ko. Talagang ayaw niyang huminto sa kasasayaw. Nahihiya na ako sa ginagawa niya. "Hoy," sinuntok ko ang braso niya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiction généraleContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21