🏰SYDNEY🏰
Naglalakad ako papasok sa loob. Si Cassey kanina pa ako nilayasan, nakisabay kasi sa parents niya. Ginantihan ako. Hindi man lang ako niyaya. Medyo nakakasama ng loob, kaso naalala kong ako pala ang unang gumawa non kaya okay lang.
It's a tie...
Para pa akong naglalakad sa buwan sa ngayon, dahil hindi ko naman kailangang magmadali. Wala naman daw kaming laro ngayon kaya ayos lang na magtagal. Ang nasa plano namin ngayon ay manonood ng laro nila Kendrick then gala. Ang bwaklang 'yon, yinayari na pala ng mga Taipan kahapon hindi man lang kami sinabihan. Kung hindi pa namin chinat hindi magsasabi. Ang reason niya, para raw hindi kami manood kaya hindi nila sinabi.
Naikuwento ko ang ilan sa mga nangyari kahapon pero hindi full detailed. Sabi ko kasi ngayon na lang namin sasabihin. Nakakatamad kaya magtype at isa pa, lahat kami nananakit ang mga likod. Si Darylle nga tinulugan lang kami. Si Alex naman, madalang pa sa patak ng ulan kung mag-chat. Pinaglalaruan lang non ang cellphone niya eh.
"Hey..." Napalingon kaagad ako sa gilid ko. Amoy pa lang alam ko na kung sino. Napahakbang ako sa gilid para lumayo sa kaniya. "You're still avoiding me huh?" Nakadiretso ang mukha niya pero ramdam ko ang paningin niya sa akin. Napahinto ako sa hindi ko malaman na dahilan. Parang gusto kong manakbo sa kung saan para magtago. Mariin akong pumikit bago nagsimulang manakbo. "Syd! Hey!"
"Saan ako pupunta?" Tarantang-taranta ako maging ang mga paa ko na tila nagkaroon ng sariling utak. Ang isa gustong magpunta sa kaliwa, ang isa naman ay sa kanan. "Tulong..." Nanakbo ako sa gilid, kung saan maraming puno. May mga tao naman sa gilid pero hindi gano'n karami. Nagtago ako sa may halamanan.
I need mesa...
I need Yixing...
"Syd?" Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Nagsumiksik ako sa gilid. Hindi ko alintana ang basang halaman na mukhang kadidilig lang. "Labas na, wala akong gagawin sa 'yo. I promise. About last time, I'm sorry okay? I didn't mean to hurt you. Namimiss lang talaga kita. Ikaw kasi eh, iniiwasan mo ako."
So ako pa may kasalanan?
Wow ha?!
Napairap ako dahil alam ko namang namimiss niya lang ako kasi hindi na kami nagkikita. Kapag bumalik ako sa kaniya hindi niya naman ako pinahahalagahan. Ang plano ko sana, paniwalain siyang merong kami, kaso ako mismo nakakalimot dahil wala na nga siyang halaga sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng palaka. Yes, may frog dito. Kung hindi lang malaki si Yixing iisipin kong siya 'to. Ang prince charming ko.
Krimstick pa...
Nagtitili ako at napalabas mula sa pinagtataguan ko. Bwiset na palaka 'to, tumalon ba naman sa gawi ko. Malapitan na ni Ace 'wag lang ng palakang 'yan.
"Why? Why?" Lumapit siya kaagad sa akin at nilingon ang pinagtaguan ko. "What's wrong?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
Kinikilig ako...
Luh!
"May palaka," naglakad ako palayo ro'n. Napakamalas ko talaga kahit kailan. Nang maghagis siguro ng suwerte nasa CR ako at nagliliptint.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21