🏰ERIC🏰
Kanina pa ako nag-aalala kay Ganda. Wala kasi siya rito sa bahay nang makarating ako, pero nandito ang motor niya. Ang sabi naman ng mga bata, nandito na raw ang motor na 'yan pagdating nila. Sinilip ko si Ganda sa kuwarto pero walang tao. Nilinis ko na rin dahil ang kalat na naman ng kuwarto niya. Itinago ko ang kuwintas niyang nakakalat lang sa lapag.
Hindi ko siya matawagan dahil nakapatay ang cellphone niya. Pakiramdam ko, galit pa rin siya sa akin dahil nasigawan ko siya kanina. Ilang beses ko na kasi siyang sinabihan na 'wag basta-basta manghahalik. Hindi kasi magandang tignan ang gano'n at isa pa, kung hindi ko siya sinigawan, may mangyayari talagang hindi maganda.
Buti na lang...
Nakapagpigil pa...
Bumalik ako sa kuwarto para subukan siyang tawagan ulit. Mabuti na lang wala rito 'yung pamangkin ni Mother Uji. Umalis siya kaagad dahil tinawagan yata siya ng Ate niya. Hindi ko alam kung para saan, bahala silang magkapatid. Kami-kami lang kaya bawas sa tensiyon. Hindi talaga ako komportable na nandito si Sean sa bahay ni MU. Pakiramdam ko may binabalak siyang hindi maganda.
Nakasaksak pa ang cellphone ko kaya hindi ko masiyadong nagagamit. Nalow bat 'to dahil sa kakatawag ko kay Ganda. Kahit hindi niya sabihin alam kong nagtatampo siya sa akin. Sobrang pagod na rin kasi ako sa laban namin kanina kaya hindi ko na siya napuntahan.
"The number you have dialed is now unattended. Please try your call later."
"Tsk," naupo na lang muna ako sa kama habang nag-iisip kung saan ko siya pwedeng puntahan. Natatakot din kasi ako na tawagan sila Tita, pero naisip ko ng baka naro'n siya.
Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang mga gamit ng bata na hanggang ngayon ay nasa akin pa. Hindi ko alam kung may kukuha pa ba niyan. Gusto ko ng sabihin kay Ganda ang tungkol diyan pero baka wala lang din akong mahita sa kaniya, lalo na ngayon na nagpapaalaga pa siya.
Tumayo ako at lumabas dahil narinig kong may dumating. Sa sala ako pumunta kaya nakita ko si Sean na kadarating lang. Ang dumi ng damit niya lalo na 'yung bandang likod.
"Kuya Sean saan ka po galing?" Si Buknoy lang ang mahilig makipag-usap sa kaniya at saka itong si Joseph. Palibhasa mga bata pa sila kaya hindi pa nila naiintindihan ang ibang bagay. Madali pa sa kanila ang magpatawad at magpasensiya.
"Somewhere, I don't know that place." Abala siya sa pagpapagpag sa damit niya.
Kumunot naman ang noo ni Buknoy. "Ano raw?" Bulong niya kay Tupe.
"Hindi niya raw alam kung saan 'yon," walang ganang sagot ni Tupe. Tulad ko ay banas din siya diyan kay Sean.
"Kuya Sean ang dumi ng likod mo." Lumapit pa talaga si Buknoy para tulungan si Sean na magpagpag ng likod.
"Thank you," sabi ni Sean. Tinulungan lang ni Buknoy pero inasa na sa kaniya. "I'll take a bath. Where's Audrey?" Wala siyang nakuhang sagot sa amin. "Okay, I mean Alex." Ngumiwi pa, na kung tutuusin dapat masanay siya sa gano'n dahil Alex naman talaga ang pangalan ni Ganda.
"Wala pa nga po eh," si Joseph ang sumagot. Abala sina Tupe at Ethan kakacellphone. At sa tipo nila, hindi 'yan sasagot.
"Wala pa?" Kunot noong tanong ni Sean. Lumayo na siya kay Buknoy kaya nahinto na siya sa pagpagpag. "Where is she?" Kung makatanong akala mo kung sino.
"Ewan po namin, hindi po sumasagot eh."
Sa akin siya tumingin pero wala namang sinabi. "I'll take a bath first." Dali-dali siyang pumasok sa kuwarto na pinapagamit sa kaniya. Kung makaasta akala mo naman alam niya kung saan makikita.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21