🏰LUKE🏰
Inabot na kami ng madaling araw pero hindi pa rin kami natutulog. Naglalaro kami ng kung anu-anong online games, kalaro namin sina Yixing at JC. Nandito kami sa living room nila, nagkalat ang mga balat ng pagkain dahil wala rin kaming tigil sa pagkain.
Kagutom eh...
Nakakapagod manalo...
"Okay," ani Guione dahil panalo na naman kami. "Isa pa?"
"Wait palowbat na ako." Tumayo si Matt at kinuha ang powerbank niya.
Tumayo rin ako at nag-unat dahil namamanhid na ang katawan ko. Nag-iinit na rin ang p*wet ko dahil kanina pa ako nakaupo. "Ihi lang ako wait." Pumasok ako sa CR para jumingle log jam.
"Hoy Luke!" Kinalabog ni Guione ang pinto. "May schedule na! Bukas daw ang Opening!"
"Oh?!" Hinugasan ko ang kamay ko at pinatuyo. "Sino may sabi?"
"Si Coach, sa KU App nag-post. Ngayong 12:00 AM lang oh."
"Bakit bukas agad?" Binuksan ko na ang pinto. Nakatayo si Guione habang nakatutok sa cellphone. "Tapos ngayon lang in-announce?" Huwebes na kasi ngayon at hindi pa kami natutulog.
"Ewan ko," nagkibit balikat siya. "Sa Sabado na rin 'yung unang araw."
"Oh? May pasok ng Sabado?"
"Tignan mo," inabot niya sa akin 'yung cellphone niya.
Nakita ko ang announcement ni Coach Limer. Bukas na nga raw ang Opening at may pasok nga sa Sabado. "Ang pangit..." Binalik ko na sa kaniya ang phone niya.
"Delay na raw kasi."
"Kasalanan ba natin na may bagyo?"
"Oh 'wag ka sa akin magalit." Hinawakan niya ang balikat ko at tinulak ako pabalik sa living room.
"Hindi ako galit," sabi ko sabay tawa. Naabutan namin si Matthew na nakasilip sa labas. "Bakit brad?" Tanong ko. He looks bothered.
"Parang may tao sa labas," sabi niya bago muling sumilip sa labas.
"Weh?" Lumapit sa kaniya si Guione at nakisilip din. "Baka magnanakaw brader."
"Patingin nga," nakisilip na rin ako. May lalaking nakatayo sa labas ng gate nila na tila nagdadalawang isip na hindi mo maintindihan. "Sino 'yan?"
"Ewan ko," ani Matthew. "Tara, labasin natin."
"'Wag," pigil ko. "Baka mamaya may baril 'yan o may mga kasamahan."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Guione. "Tumawag na lang muna tayo ng pulis. O 'di kaya naman, tawagan natin 'yung guard nitong Village."
"Mabuti pa," sabi ko. Hindi naman kasi kami mga superhero para mag-ala Iron Man, Captain America at Spiderman doon sa labas.
"Sige wait lang." Lumapit si Matthew sa may telephone. Malamang tatawagan niya 'yung guwardiya. Muli naming sinilip 'yung lalaki sa labas at katulad ng inaasahan, may mga kasama na siya.
Patay...
"Ano brader?" Tanong ni Guione kay Matthew.
"Hindi naman sumasagot eh."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21