Chapter 295: BAYAD (SFD3)

117 10 1
                                    

🏰LUKE🏰

Nagpalakpakan kaming lahat ng matapos ang laro kasabay ng malakas na pagchicheer ng mga lobo. Isa na namang panalo ang inuwi nila, magandang senyales dahil may pag-asa silang manguna. Kung ganiyan ng ganiyan ang makakalaban nila, baka nga may tsansa silang manalo.

Umingay ng husto ng ianunsiyo ang best player ng game, si Danica na naman. Na walang ibang ginawa kun'di magpasaway kanina. Hindi ko alam kung aware ba siya na ang weird ng mga pinag-gagagawa niya, pero ang cute lang. Siya lang yata ang pinunta nitong mga nasa likod namin eh. Hindi naman kasi sila lobo at hindi rin sila mga aso, dahil ang suot nilang shirt ay kulay puti. 

Nakakatuwa naman talaga kasing manood ng laro nila. Combination ng Basketball at comedy dahil sa kaniya. May katigasan talaga ang ulo niya at lumalala ang pagiging isip bata.

Magpakarga ba naman sa Kuya niya?

Issue na naman tuloy sila dahil hindi naman alam ng iba ang tungkol doon. Wala kasi silang paki sa mga nasa paligid nila. Hinele-hele pa siya ng Kuya niya habang panguso-nguso siya.

Nakatulog pa!

Ang tibay niya talaga...

"Tara na," yaya ni Samuel. Ilang oras na lang at matatapos na ang Day 3. Parang ang bilis ng panahon, pero ayos lang, nakakasabay naman.

Tumayo na kami at kinuha ang mga pinagkainan namin. Napatingin ako sa kanan ko, dahil nakita ko si Eric. Kapansin-pansin siya dahil lutang na lutang ang pulang shirt niya sa karagatan ng mga lobo. Nginitian niya ako kaya nginitian ko na lang din. Hindi naman siya masungit, mukhang friendly pa nga. At kung ako papipiliin, mas gusto ko siya para kay Alex.

T*ngina niyan ni Sean eh...

Alam ko na ang galawan niyan!

Sigurado ako, kakaibiganin niya 'yan si Danica sa kahit anong paraan na alam niya. Tapos 'tsaka niya lalandiin at tutuklawin gaya ng ginawa niya kay...

Ayoko ng banggitin...

Kinikilabutan ako!

"Saan tayo?" Tanong ni Yixing. Siya ang mahilig mang-aya na mag-gala. Kung sa bagay, sayang nga naman ang magandang ayos ng Camp Bridge kung tutulog-tulugan lang namin.

"Doon sa parang arcade," ani Guione. Doon kami nagtagal noong Sabado. Hindi niya kasi tinigilan 'yung Peppa Pig na mukhang hindi nagustuhan ni Guiven, dahil hindi naman kamukha ni Peppa 'yon.

"Kain na lang tayo," suhestiyon ni Matthew.

"Nachos," sabi ko habang naglalakad palabas. "Excuse," sabi ko sa mga nakaharang. Ang dami naming nag-uunahan dito sa paglabas. "Doon tayo didiretso?"

"Oo," si JC ang sumagot. "Alangan naman umakyat pa tayo? Tatamarin na tayo niyan kapag doon tayo dumiretso."

"Kain muna?"

Ang sama ng mukha ni Matthew ng humarap sa akin. "Kakain nga lang Xander. Bingi? Bingi?" Nilapit-lapit niya ang mukha niya habang pinagdidiinan ang salitang 'yon.

"Akala ko kasi mag-aarcade pa." Tatawa-tawa kaming sumilong sa may puno at naupo sa upuan. Nawala kasi ang iba naming kasamahan. Kami lang ng mga Brader ko, Yixing at JC ang natira.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon