Chapter 251: ASSUMING 1 (SFD2)

99 8 1
                                    

🏰ALEX🏰

Hindi ako makapili kung alin kina Sapak at Topak ang gagamitin ko. Pareho ko kasi silang gustong iyabang ngayon pero isa lang ang katawan ko. Si Sapak ang napili ko dahil may mga dadalhin nga ako. Inunahan kong umalis si Eric dahil naiinis na ako sa presensiya niya. Hindi isang tulad niya ang magpapatumba sa akin.

Neknek mo!

Ang pangit mo!

Nakabukas ang bubong ni Sapak para makita ng mga tao kung gaano kaganda ang nagmamaneho. Sinuot ko rin ang Sports Sunglasses ko dahil may araw naman na. Narating ko na yata ang sinasabi nilang Camp Bridge dahil nakita ko na ang logo.

Camp Bridge? Ano ba namang klaseng pangalan 'yan? Walang kadating-dating...

Hindi ako nagseatbelt dahil nagugusot ang maangas kong damit. At isa pa, may sinturon naman ako kaya hindi na kailangan non. Kahit Gray Wolves lang 'to mahal pa rin 'to dahil ako ang may suot. Lahat ng gamit ko mahal dahil mayaman ako. Sobrang yaman, napakayaman at pinakamayaman sa buong mundo. Kalahating milyon yata ang baon ko.

Speaking of baon...

Sabado pala ngayon! Sinong magbibigay sa akin?!

Nguso! Nguso! Nguso!

Binusinahan ko ang lahat ng nakaharang sa daan. Sasagasaan ko sana, kaso naisip ko dapat makita muna nila kung gaano kaganda ang sasakyan na binigay ng Kuya ko. Bukas ko na lang sila papatayin, depende pa 'yon kapag sinipag ako.

"Wow!"

"Ang gara!"

"'Yan ba 'yung bagong labas ng *******?"

"Oo yata!"

"Astig!"

Pinarada ko ang sasakyan ko sa may parking lot siyempre, alangan naman sa tapat ng bahay niyo. Ano kayo sinusuwerte?

Pinagtitinginan si Sapak ng mga nakakakita, dahil sa angking gara at kaastigan. Idagdag mo pa ang napakaganda nitong kulay na itim. At siyempre, ako talaga ang nagdala sa lahat. Maganda kasi ang may-ari kaya kapansin-pansin.

Wala naman si Mamaw...

Kaya okay lang na maging maganda pansamantagal!

Napalingon ako sa guwardiyang lumapit sa akin. "Miss," tawag sa akin ng kupal.

"Oh?!" Sinigawan ko kaagad para hindi ako kayan-kayanin. Ganiyan kasi ang ibang tao, porket sila ang nasa posisyon akala nila sila na ang tama.

Mali kayo...

Kung meron mang may tama rito, ako 'yon! May sapak kasi ang utak ko!

"ID?" Inilahad niya ang kamay sa harap ko. Pinagmasdan niya pa ang magara kong sasakyan.

Naiinggit siguro...

Pinakita ko sa kaniya ang school ID ko. Umiling siya kaagad na tila hindi natutuwa sa ginawa ko. "Miss doon ang paradahan ng mga taga-Kingstone." Tinuro niya 'yung nasa likod ko, pero hindi ko 'yon nilingon dahil wala akong balak umalis sa parking lot na 'to. "Para 'to sa mga taga-Camp Bridge, Nine. Kailangan niyong sumunod sa patakaran dahil kami ang mapapagalitan."

"Wala akong paki," walang kagatol-gatol kong sambit. Pinagkiskis ko ang kuko ko sa hinlalaki at hinliliit.

"Sige na lipat na ro'n."

"Wala sabi akong paki! Dito ko gusto!"

Nakita ko ang paglapit ng isang guwardiya. Nakita ko rin ang sign na nagsasabing para sa mga taga-Camp Bridge nga ang paradahan na 'to.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon