Chapter 237: CHICKENINI (SFD1)

100 9 0
                                    

🏰LUKE🏰

Nauna na kaming bumalik sa upuan namin. Marami-rami na rin ang nandoon dahil ang ilan sa kanila ay hindi naman umalis dito. Karamihan sa mga varsity ay hindi pa nakakabalik. Malamang nagkainan din sila sa labas o baka sa mall sila dumiretso. Naupo na kami sa upuan namin, medyo nag-adjust lang ng kaunti dahil si Yixing na ang katabi ko, hindi na si JC. Humiwalay sa amin sila Yixing kanina dahil tumawag daw 'yung Tito nila, hinahanap yata 'yung pinsan nila. Alam siguro nila na magkakasama na kami rito dahil nga sa Sports Fest.

"Luke," bumulong sa akin si Guione kaya nilingon ko siya. "Nandiyan na si Bridgette ah."

"Alam ko," sabi ko dahil nakita ko naman na talaga siya kanina.

"Kinausap ka?"

"Hindi," walang ganang sagot ko. Naiirita ako sa mukha ng babaeng 'yon. Kapag nakikita ko talaga ang mukha niya nag-iinit ang ulo.

Naiirita ako...

"Nasaan na si Yixing?" Tanong ni JC. Nakatingin siya sa likod. "Ang tagal naman non."

Dumating na rin sina Jessica kaya nagkalaman na rito sa unahan. Narinig ko na rin ang boses ni Yiren kaya baka nandiyan na rin si Yixing.

"Saan ako?" Tanong ni Yixing.

"Sa puso ni Sydney," mapang-asar na sagot ni JC. Pinandilatan kaagad siya ng mata ni Yiren at pinagsabihan.

"Dito Xing," tinuro ko 'yung upuan sa tabi ko. Natahimik kami bigla dahil mukhang badtrip si Yixing.

"Loona saan ka nakaupo?" Tanong ni Yiren kay Loona.

"Dito," aniya sabay turo sa upuan niya.

"Tabi tayo," lumapit si Yiren at inilagay ang sa upuan ang bag niya.

"Si Syd diyan," ani Loona. "Usod na lang sila doon."

"Yiren," tawag ni Yixing sa kapatid niya. "May nakaupo raw diyan."

"Uusod lang naman," katuwiran niya. Malamang diyan si Umupo dahil si Matthew ang nasa likuran niya.

"Kahit na," pagalit na sabi ni Yixing. Mukhang masama ang timpla niya kaya napagbubuntunan ang kapatid.

"Gano'n din naman, lilipat din ako rito mamaya."

"Doon ka nakaupo." Tinuro ni Yixing 'yung upuan sa pinakadulo. Doon yata siya inassign ni Coach Limer.

"Uusod lang naman."

"Isa," nagbabanta ang tinig niya.

Padabog na tumayo si Yiren at kinuha ang bag niya. "Ako na naman pinag-iinitan mo." Lumipat siya ro'n sa upuan sa may dulo. Kahilera pa rin ng upuan nila kaso sa dulo nga lang. Mukhang hindi kaclose ni Yiren ang iba niyang kateam kaya ayaw niyang maupo ro'n.

Nagkatinginan kami nila JC dahil kakaiba ang kinilos ng dambuhala naming teammate. Hindi naman kasi ganiyan si Yixing, lagi nga 'yang nakangiti at nakikipagkulitan kay JC. Nagkibit balikat lang si JC bago umayos ng upo.

Narinig ko na ang malarapidong bibig ni Kendrick. Nagtatatalak siya habang papalapit. "Ikaw naman kasi te, pinairal mo na naman ang pagiging T-A-N-G-A mo kaya nabeastmode na naman ang mamoy nating beshiewap."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon