🏰MINA🏰
Sobrang saya ko dahil pauwi na kami sa bahay nila Sean ngayon. Tinawagan kasi siya ni Tito Raymond, gusto raw akong makausap. Nakauwi na pala si Dean Arnold dahil Opening na ng Sports Fest bukas. Kinabahan talaga ako pero dahil sa nangyari ngayon, nawala na 'yon.
Lumalakas na talaga ang kapit ko...
Mabuti na lang wala na si Liezel pagkagising namin kaya kaming dalawa na lang ni Sean nung nagising kanina. Dumalawa pa kami bago umalis sa condo niya. Ang bwiset na Liezel na 'yon ang daming alam na pakulo. Buti na lang mas masikip ako kaya mas gusto ako ni Sean.
"Baby? Nakapag-usap na ba kayo ng Daddy mo?" Nasa biyahe pa rin kami at aaminin ko, medyo kinakabahan ako dahil kina Tita Sarah. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita.
"Yes, but he's cold."
"How about Lolo Arnold?"
"I already said sorry."
"Anong sabi?"
"Nothing," nakafocus siya sa pagmamaneho. "Let's not talk about them baby."
"Okay," tumingin na lang ako sa daan at pilit kinakalma ang sarili ko. Nangunot ang noo ko ng makita ko si Audrey na nasa tindahan. Nakayakap sa batang madungis. Bagong gupit din ang luka.
Hindi na ako natatakot sa 'yo...
Kung hindi lang kami nagmamadali, ipapahinto ko pa kay Sean ang sasakyan para makita niyang sweet kami. Gusto ko lang naman siyang asarin.
Mamamatay ka sa inggit...
Huminga ako ng malalim habang papasok kami sa village nila Sean. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil baka hindi magandang balita ang sabihin nila sa amin.
Tiwala lang Mina...
Nandiyan si Tito Raymond...
"We're here," ipinarada niya ang bago niyang kotse sa tapat ng bahay namin. "Are you nervous?"
"Medyo," nag-aalangang sagot ko.
He leaned and kissed me passionately. "Chill, akong bahala. Let's get inside. They're waiting for us."
Pinagbuksan kami ng guwardiya nila sa bahay kaya dumiretso na kami sa loob. Sean held my hand 'cause he knew that I'm feeling so anxious. This isn't the first time na haharap ako sa parents niya, pero grabe talaga 'yung kaba ko.
"Sean, promise me na kahit anong mangyari hindi mo na kami ipagpapalit ni baby sa sapatos or sa kahit anong bagay." Hinamas ko ang tiyan ko para ipaalala sa kaniyang magkaka-anak na kami.
"Sure," he smiled at me. So all of my doubts fade away. He really loves me. This guy is completely in love with me.
I'm so lucky...
"There they are," si Ate Shane ang bumungad sa amin. Nginitian niya ako kaagad at nginuso ang living area kung saan nakaupo ang parents ni Sean.
"Good afternoon po," bati ko dahil magtatanghali na rin naman na. Hindi ako sure. Nawala ang kaba ko ng ngitian ako ni Tita Sarah.
This is my time to shine...
"Have a seat hija," ani Tito Raymond. Naupo kami ni Sean sa harap niya. "How's the baby?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21