🏰GLYDEL🏰
Hindi ako matulog-tulog dahil sa pesteng Bibi ko na 'yan. Hindi niya sinasagot ang pangmalakasan kong tawag. Magmula pa kahapon hanggang ngayon. Kahit text wala akong narereceive mula sa kaniya. Talagang kinalimutan niya na kami ni Nguso. Umiiyak tuloy ang keps ko. Mukhang pinagpalit niya na talaga ako sa ibang Bibi.
Bahala na siya...
Tinatawagan ko lang naman siya dahil makikipagkita ako sa kaniya. Pababayaran ko sa kaniya ang load ko bago kami magBIBIreak. Magpapadilig na rin para mabuntis na ako. Tapos kapag ikakasal na siya at 'yung bago niyang Bibi, susulpot ako at sasabihing...
Itigil ang kasal! Buntis ako at si David ang ama!
Tapos iiyak na 'yung babae dahil mas maganda ako sa kaniya. Magwawala na siya at mananakbo dahil nagtaksil ang Bibi niya sa kaniya. Lalabas siya at masasagasaan ng truck. Idodonate ang puso niya sa ibang tao dahil namatay na siya. At sa huli, kami pa rin ng tigasin na si DaVivid ang magkakatuluyan.
Ang ganda ng plano ko 'di ba?
Kasing ganda ko...
Pero hindi pa rin sinasagot ng Bibi ko ang tawag ko!
Napaiyak na naman tuloy kami ng keps ko. Niyakap ko na lang ang unan ko at doon nagdrama. Sobrang sama na talaga ng loob ko dahil sa ginagawang pagpapaBIBI ng Bibi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganiyan sa akin ngayon. Samantalang dati naman siya pa ang tumatawag sa akin. Dapat pala hindi ko na lang siya sinagot. Mas okay pa 'yung magkaiBIBIgan lang kami eh.
Friends with BIBInifits...
Lantang-lanta na ako!
"Bibi ko..." Nagpapadyak ako sa sobrang inis. Umalog-alog na naman tuloy ang Didi ko. Miss na miss na namin ng Pipi ko ang Titi mo, Bibi ko.
Uwi ka na rito...
Kahit naman mangabit siya tatanggapin ko pa rin siya eh. Gano'n ako kat*nga pagdating sa pag-ibig. Kaya ayokong naiinlove, dahil pumupurol ang utak ko. Ayusin niya lang ang palusot sa akin at talagang bukas BIBIsig ko siyang tatanggapin. Gusto niya pati BIBIg bukas din eh.
Sama niya na pati legs...
Para BIkBIkan na...
Umikot ako at kinuha ang cellphone kong pinitas ko lang sa puno ng mansanas. Sinubukan ko ulit tawagan ang Bibi kong pangmalakasan. "Eeeeeeee..." Umupo ako at nag-inarte ng hindi na naman niya sagutin ang tawag ko. "Bibi ko!" Naiyak na ako ng malakas. "Susumbong kita sa Papa ko, 'tsaka sa Mama ko, 'tsaka sa Ate ko, 'tsaka sa mga pamangkin ko, 'tsaka sa mga anak ko, 'tsaka sa bataan ko, 'tsaka kay Eugene at doon sa mga anak niya." Para akong bata na nagwawala dahil lang sa candy.
Candy na masharap...
Mamba ang tatak!
"Isusumbong kita kay Insan." 'Yung number ni Tonton ang hinanap ko. Sigurado, bubugbugin siya ni Tonton kapag nalaman niyang pinaiyak ako ni David. "Hindi rin sumagot." Napahilata na ako sa kama. Mukhang pinagpalit niya na rin ako sa ibang pinsan.
Huhuhu...
Lahat na lang kayo! Magsasama-sama kayong makukunat ang B! Patay kayo sa akin, tatlong itlog! Babasagin ko ang mga b*yag niyo!
Si Morgan...
Tama si Morgan...
Siya na lang ang huli kong alas. Kapag hindi pa siya sumagot talagang susugurin ko na sila. Kahit magsama-sama pa silang tatlo, kung gusto nila hanapin pa nila si Cobra eh! Pati si Taipan at Krait isama niyo na rin.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21