🏰GUIONE🏰
Sobrang saya ko dahil nakagawa na kaagad ako ng marami-rami. Nakakatuwa lang dahil nakikiayon sa gusto ko ang lahat. Tamang-tama nandiyan ulit si Joice para panoorin ako. Hindi naman sa nagyayabang o nagpapasikat, pero gusto ko lang naman na mapanood niya ako. Alam niyo na, baka lalo niya akong magustuhan kapag nagalingan siya sa akin.
I'll admit, isa siya sa reason kung bakit ginaganahan akong maglaro. Iba kasi ang epekto ni Crush sa laro ko. 'Yung feeling na, nagagalingan siya sa 'yo. Ichicheer ka niya kahit hindi mo sabihin.
Nakakakilig...
Nasa 2nd quarter na kami ng laro, at lalo pang lumaki ang lamang namin sa kanila. 38-20 na ang score kaya lalo pa naming pinag-iigihan, para kung sakali mang suwertihin sila eh mahihirapan din silang habulin kami.
Masiyado pang mahaba ang oras para magsaya, lalo pa't hindi pa naman kami nakakarating sa kalahati. Nakakapagod pero nakakagana talaga, dahil nandiyan si Joice para suportahan ako. Nagsabi na rin ako sa kaniya na sumabay siya sa amin mag-lunch para makilala niya ang mga brader ko. Gusto ko maging okay din sila para wala akong maging problema.
Nasa tamang edad naman na ako at hindi naman mahigpit ang parents ko pagdating sa pag-gigirlfriend. Okay lang sa kanila kahit sino basta hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko. Si Guiven lang naman ang nagiging problema ko madalas. Kapag nalalaman niyang may girlfriend ako, hindi niya ako pinapansin.
Pero alam ko naman na darating din 'yung time na maiintindihan niya ako. Bata pa kasi siya kaya marami pa siyang hindi maunawaan sa ngayon. Kapag nasa tamang edad na siya, at nagkagusto na rin sa iba malalaman niya ang tunay na kapangyarihan ng pag-ibig.
Iba talaga 'pag in love...
Sarap magmahal, lalo na 'pag deserve ng tao ang pagmamahal mo!
She's the one...
I could feel it...
"One," tawag ni Luke. Nagpatulong siya sa akin mag-screen para makadiskarte. Nasa amin ang bola at kasalukuyang gumagawa ng paraan para makalusot. Nagpalit ng players ang kalaban, mas suwerte sila compare sa mga nauna. Kaya nga nakadouble digits na rin sila.
Ako ang tumayo at nagsilbing pantapal sa asong tahol ng tahol. Nakakawala naman si Luke at pinasa rin 'yon kay Samuel na nagtatala na rin ng ilang points.
"Samuel!" Panay ang tili ng mga kababaihan sa tuwing nakakashoot siya.
Nagngitian kami ni Luke habang naglalakbay patungo sa kabilang lupalop ng court. 'Yan ang kagandahan diyan kay Luke, hindi siya madamot sa puntos. Kapag alam niyang kaya ng iba ibibigay niya rin naman, hindi gaya ni Sean na gusto niya siya lang lagi ang bida. Siya lang lagi ang magaling. Kaya nga siguro siya ang pinili ni Coach na Kapitan namin, kapalit ng grumaduate naming pinuno, dahil mahusay siyang kumontrol ng players. At siya, hindi lang nasa scoring ang focus niya. Lahat 'yan sakop ng isip niya kaya ang galing niyang gagawa ng play.
Si Sean kasi, puro points lang ang habol niya. Kaya nga ang ganda ng tandem nila ni Luke noon. Noong okay pa kami, noong hindi pa nagkakaroon ng lamat ang maayos naming pagkakaibigan, na sinira lang ng isang babae na magpasahanggang ngayon ay hindi namin maunawaan ang pinanggalingan.
Napakalabo...
Hingal na hingal na kami dahil sa bilis ng run ng bola. Palitan ng puntos kaya hindi sila makadikit kahit na tumataas na ang puntos nila. Pumito ang referee dahil nakasabit si Rafael ng foul. 'Yan ang mahirap sa mga nasa loob na players, hindi maiiwasan na magkakasakitan talaga.
"Pagod ka na?" Tanong ko kay Luke. Pulang-pula na ang balat niya sa sobrang pagod. "Papalit ka na kay Coach, kaya naman eh."
"Ayoko, baka pagalitan ako."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21