🏰ALEX🏰
Hinantay kong matapos kumain ang Mamaw ko dahil baka umuwi siyang gutom. Lugi siya kapag gano'n, dahil siya ang magbabayad pero siya ang 'di makakain ng maayos, dahil sa pagpapaBIBI ko. Hindi naman ako makakapayag ng gano'n no. Mababalita sa TV, ang mayaman na si Glydel De Vera namatay sa gutom.
Tapyas ang kayabangan niya non...
Labidabs ko ang Mamaw ko!
Hinahantay ko lang si Mamaw matapos kumain para mayabangan ko na siya. Mas maganda kasing makipagyabangan sa kaniya ng busog, dahil baka sabihin niya mamaya, nanalo lang ako kasi ako busog at siya gutom.
"Mamaw tagal ka pa?" Nginusuan ko siya dahil palaban akong bata. Ayaw ko kasing natatalo, pakiramdam ko 'yon ang ikamamatay ko. Ayaw ko pang mamatay dahil magyayabang pa ako. 'Tsaka na siguro kapag hindi na ako deds kay Mamaw.
"Lapit na," sabi niya. Siya na lang ang hindi tapos. Nagdedessert na lang kami nila Darylle. Napangiwi ako ng makita ko 'tong Eric na 'to. Nababadtrip talaga ako sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit.
Dapat mag-sorry siya sa akin...
"Darylle, anong oras ang uwi mo?" Si Tita Gloria mukhang sinulit ang panlilibre ni Mamaw. Kung sa bagay, ganiyan din ang gagawin ko kung ako ang nasa posisyon niya.
"Hindi ko po alam," sagot ni Darylle. "Magchachat na lang ako, Ma. Pwede naman yatang bumaba pag-uwi. Magpapababa na lang ako para hindi na kayo pumunta roon."
"Hindi rin ako makakapunta dahil aalis ako mamayang gabi."
"Na naman? Saan ka ba nagpupunta, Ma? Umalis ka na kahapon ah?"
"May inaasikaso lang ako." Tinuloy niya ang pagkain ng dessert na inorder niya. Hindi ko nagustuhan ang sa akin, dahil para 'yung pinaghalo-halong saging, manggang hinog, icing na sobrang tamis at graham na durog-durog.
"Sila Tito Morgan ulit kasama namin?" Ngumiti si Darylle, mukhang nag-enjoy siyang kasama sila Pañero.
"Ewan ko," ani Tita Gloria. "Nasaan pala 'yon?"
Huminto si Mamaw sa pagkain kahit na patapos naman na siya. "Bakit? Namimiss mo?" Nginisihan niya ang kapatid.
"Yieeeeeee!" Ako ang unang nang-asar kay Tita Gloria'ng pagkapangit-pangit. "Crush mo rin si Pañero no?" Kung malapit lang ako sa kaniya, kanina ko pa sinundot-sundot ang tagiliran niya.
Luh...
Paano na si Erning?
Ayos lang 'yon, mas mayaman naman si Pañero eh!
"Tigil-tigilan ako ng kalandian na 'yan Alex ah?" Pinagbantaan kaagad ako ng kapatid ni Mamaw. "Hindi nakakatuwa."
"Oo nga hindi nga nakakatuwa, nakakakilig lang?" Pasimple ko siyang tinignan sa gilid ng mata ko. Tawa ng tawa sila MU lalo na si Kuya ReiRei.
"Manahimik ka diyan." Dinuro ako ni Tita Gloria kaya tinawanan ko siya. Tinignan ko ang Mamaw kong ubos na ang pagkain.
Yes...
Pwede ng magyabang...
"Nasaan nga pala ang mga 'yon?" Kumunot ang noo ni Mamaw. "Hindi ako sinasagot ng Tatay mo ReiRei. Ano bang pinagkakaabalahan non?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21