Chapter 279: KAFACE

133 12 22
                                    

🏰ALEX🏰

Hindi ko maipaliwanag ang saya nang makakita ako ng b**bie'ng 'di man kasing laki ng kay Mamaw ay mapagtitiyagaan na. "Wow! B**bie!" Napanganga ako habang pinagmamasdan ang magandang hubog ng kaniyang hinaharap. Bahagyang nakatagilid ang babae kaya kitang-kita kung gaano kataas ang kaniyang bundok. "Mother Uji!" Pinakita ko kaagad kay Mother Uji ang picture. Zinoom ko para mas makita niya ang dibdib ng girl. "Tignan mo 'to oh, dapat ganito kalaki 'yang b**bie mo para magkaboyfriend ka na."

Napakurap si Mother Uji. "Alex hindi naman ako naghahanap ng boyfriend."

"Pero dapat meron, para may Papa na sila Joseph. Kawawa naman sila Mother Uji. Sobrang kawawa, napakakawawa at pinakakawawa sa buong mundo." Hindi na naman siya nakaimik. "Makikinig ka sa mga sinasabi ko, kasi matalino akong baby. Hindi ako kagaya niya," tinuro ko ang Papa ng mga espasol. "Bobo..."

"Alex," saway ni Eric. Tinapik niya pa ang braso ko.

"Arouch," nag-inarte ako siyempre. Maarte ako eh. "Mother Uji arouch dito oh." Pinakita ko sa kaniya ang braso ko.

Hinawakan niya ang braso ko at sinuri. "Wala naman," ani MU. Akala ko pa naman magiging maaksiyon 'to. Buong akala ko kasi susuntukin niya rin si Eric, gaya ng pag-ganti na ginawa ko. "Alex 'yung picture ang tignan mo 'wag 'yung ano." Kinuha niya sa akin ang cellphone at itinapat doon sa dalawang pangit na tila naglalandian. "Ikaw ba 'to?"

"Ang alin?"

"Ito," tinuro niya 'yung girl na may hawak na teddy bear.

Napanguso ako habang tinitignan ang face niya. Magkaface kami, pero sure akong hindi ako 'to. Nahagip na naman ng mata ko 'yung babaeng malaki ang b**bie. Pupunta ako sa park na 'to para makita ko sa personal ang bundok.

Magha-hiking ako...

Hihihi...

"Ganda ikaw ba 'yan?" Tanong ng Baby ko. Nakita kong namumula ang cheeks niya. Gagamutin ko na lang mamaya. Tutusukan ko siya ng karayom, gaya ng ginawa ko kay Iron Man.

"Ang alin?"

"Ito," tinuro niya ulit 'yung babaeng kaface ko.

"Siya 'yan," sabat na naman nitong lalaking may nakakahawang sakit. "We're on a date. I bought you that teddy bear. Ang sabi mo pa, 'yan ang gusto mo, kaya nakailang try ako." 'Yung nasa picture siguro ang tinutukoy niya. 'Yung hawak-hawak ng kaface ko.

"Hindi ako 'yan," mabilis kong sabi. Nayayamot na ako. Dapat nag-eeat na ako ng cake and ice cream ngayon.

"Stop denying, admit it."

"Hindi nga ako 'yan. Bakit mas marunong ka pa sa akin? Eh self ko 'to eh, alam ko kung saan ako nagwewent." Naiinis na talaga ako rito sa espasol na 'to. Mas marunong pa sa bida. Ang tigas ng ulo napakahirap paintindihin. Puro lang hearing, wala namang comprehension.

"My God Audrey! Ginagawa mo akong sinungaling!"

"Sinungaling ka naman talaga!" Sinigawan ko siya dahil nisisigawan niya ako. "Hindi nga ako 'to!" Tinuro ko 'yung babae sa picture. Oo kamukha ko siya, pero hindi sapat na dahilan 'yon para sabihin nilang ako nga ang babaeng 'yon. 'Yan kasi ang hirap sa mga tao, mas binibigyan nila ng importansiya ang panlabas na kaanyuan ng tao.

Napailing siya at halatang nagagalit na. Siya pa may ganang magalit eh siya na nga 'tong nakakaperwisyo. Kanina pa nananakit ang ears ko sa kakashout niya.

"Audrey, please 'wag ka na magsinungaling." Nakisali na naman 'tong haligi ng tahanan ng mga Espasol.

"Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ako 'yan." Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi ko ang hindi nila maunawaan.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon