🏰LUKE🏰
Panay ang cheer ng mga kapwa namin lobo, nang magsimula ang huling quarter ng laro. Dalawa na lang kasi ang lamang ng kalaban sa amin. Nahabol na namin kanina bago matapos ang ikatlong quarter. Ibinalik ng Coach ng Camp Bell ang starters nila. 'Yon siguro ang magagaling na players nila kaya kinailangang ibalik pati itong si Imperial na pinagpalamig muna.
Ako, si Samuel, Matthew, Guione at JC muna ang nasa loob. Pinahinga ni Coach si Yixing, dahil napapagod na yata. Maganda ang simula ng laro namin, dahil palitan lang ang score, kaya nanatiling dalawa ang abante nila sa amin. Naging maingat din kami sa pamimigay ng foul kaya lumalayo kami sa kanila, at dumidikit lang kung kailangan.
Naging mahirap para sa amin ang araw na 'to, dahil hindi biro ang kabang inabot namin ngayong araw. Sana lang magbunga ang lahat ng hirap namin ngayon.
Sana...
Sana talaga...
Walong minuto na lang ang natitirang oras. Dalawa pa rin ang lamang kaya kabado na kaming lahat. Isang maling galaw lang, pwedeng mabago ang takbo ng laro. Hindi rin namin akalain na makakadikit kami ng ganito sa kanila.
Isang himala...
"Luke!" Tawag ni Guione. Mintis ang tira ni Cruz at masuwerte niyang nakuha ang bola, dahil sa katatapik ng kalaban. Inihagis niya sa akin ang bola. Pagkakataon na namin para mapantayan sila. Sama-sama kaming nanakbo nila Matthew pabalik. Nauna sa akin si Samuel kasunod ang mga Taipan.
Pinasa ko sa kaniya ang bola pero hindi pumasok. Narebound ko ang bola at ibinalik sa kaniya. "'Sa pa!" Wala namang masama kung susubukan ulit. "Yeah!" Napasuntok ako sa hangin pataas, dahil pumasok ang tira niya. Ball enters the basket, the second time around.
"Yes!"
"Samuel!"
"Haringbato!"
"K-I-N-G-S-T One U!" Nagsimula na ulit silang magchant kaya lalo kaming ginanahan. Patas na ang laban.
75-75...
"Keep it up!" Halos sumunod na si Coach Limer kahit saan kami mapunta. Nakakapagod talaga, pero ang saya kasi nakaabot kami sa puntong 'to. Buong akala ko, tatambakan lang nila kami gaya kanina. Kung kabado kami, mas kabado ang mga 'yan dahil may tulog pa sila sa amin, kapag nagkataon.
"One, bantayan mo 'yon." Dali-dali kong tinulak si Guione doon kay Cruz. Ako na muna bahala rito sa Oppa natin, kahit na mukha siyang alien.
Si Samuel na ang nagbantay doon sa Imperial. Si Matthew doon sa sentro, si Guione kay Cruz. Sa akin 'tong Koreano at si JC doon sa Reyes.
Bahagyang bumagal ang rotation nila, dahil sinisiguro nilang papasok ang tira nila sa pagkakataong 'to. Yari sila kapag nagmintis kaya dapat sigurado.
"Calvin," tawag ni Reyes doon sa tukayo ko. Inasahan ko ng sa kaniya ibibigay ang bola, dahil sa kanilang lahat, siya ang may pinakamataas na fieldgoal percentage.
"Akin," nakuha niya ang bola at tumira. Nagsigawan ang mga Taipan dahil hindi pumasok ang tira niya. Puro mura ang natanggap ng Kapitan nila. Masuwerte namang nakuha nung Imperial ang bola at idiniretso sa loob. Nagreklamo pa siya, dahil nagkasabayan sila doon nila Matthew at Samuel pero wala namang tawag.

BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21