🏰GUIONE🏰
Abot langit ang saya namin ngayon, dahil isa na lang ang lamang nila sa amin. Lahat kami ay nagdiriwang kahit na hindi pa naman dapat. Alam kong hindi pa 'to sigurado pero hindi namin mapigilang hindi magsaya, dahil ngayon lang yata kami nakadikit ng husto sa kanila. Sobra-sobra ang pagod naming lahat, gano'n na rin ang kaba ko. Aaminin ko, nag-alangan akong ipasa ang bola kanina. Parang gusto ko kasing itira pero natakot ako.
Nakita kong mas may tiyansa sila Samuel kaya sa kanila ko na lang ipinaubaya ang bola. Sa pagkakataong 'yon kasi hindi pwedeng hindi sigurado. Kung meron namang iba bakit hindi na lang ipaubaya sa kanila 'di ba? At hindi naman ako nagkamali sa pagdesisyon. Tama ang ginawa ko kaya isa na lang ang abante nila. Malapit na kaming makapantay o makalamang.
"Yixing go here, stay with Matt," utos ni Coach. Taimtim kaming nakikinig sa instructions niya kahit na nananakaw ng audience ang atensiyon namin. Sobrang ingay kasi nila kaya kahit anong focus ko hindi ko magawang ibigay ng buo ang atensiyon ko sa board. "Samuel here. Guione there. Rafael tuloy mo lang 'yung nasimulan mo okay? Maganda ang laro mo ngayon sana magtuloy-tuloy."
"Yes Coach," nakangiting sagot niya. Inasar-asar na naman tuloy siya nila JC na 'yan lang ang ambag ngayon. Ang pasayahin kami. Medyo minamalas kasi itong madaldal namin kateam, kaya hindi makaporma. Sana lang 'yung kadaldalan niya kumupas din para magkaroon naman kami ng katahimikan.
Biro lang...
"Boys malapit na, kaunting tulak pa magagawa niyo na. Sayang eh, kanina sabi ko okay lang matalo 'di ba?"
"Yes Coach."
"That's true. I really mean it when I said that. Pero habang tumatagal at nakikita ko ang nagiging takbo ng laro, nag-iba na ang gusto ko. I want to win 'cause I know kaya niyo namang makuha 'to. Nandito na tayo eh. We are close to it, boys. So please don't let this chance slide. It is now or never! Last na 'to 'pag nasilat kayo, tapos tayo." Marahan kaming tumango. Ayaw ko pang malaglag kasi gusto ko pang makaabot sa dulo. Gusto ko ulit maranasan 'yung mag-champion, lalo na at graduating na kami. Sa College baka hindi na ako payagan nila Mommy na maglaro. Mas gusto kasi nilang makatapos ako kaya kinausap na nila ako about dito.
Tumunog na ang buzzer kaya matic na, tayuan kami kaagad. Pinunasan ko ang buo kong katawan lalo na ang kamay para hindi madulas. Mahirap pa naman hawakan ang bola kapag pawis ang palad at may kaakibat na kaba sa katawan.
"Let's go Gray Wolves!"
"Let's go!!!!" Mas malakas at mas determinado naming sigaw. Lahat kami gustong manalo. Nag-iba na kasi ang ihip ng hangin. Mukhang sumasang-ayon na sa amin ang lahat.
Bumalik na kami sa loob dala ang kabang hindi naman na bago sa akin. Hindi na ito ang unang beses na kinabahan ako ng ganito. 'Yung laro nga lang namin against SADPU at Camp Bell, grabe na 'yung kaba ko noon eh. At ngayon ito na naman kami, nakalagay ang isang paa sa hukay at pinipilit itong patungtungin sa lupa para masiguro ang puwesto namin.
"Uy tao-tao pa rin gaya ng dati ah?" Paalala ni Yixing. Nakabilog kami habang hindi pa nagsisimula ang bakbakan. Wala ng dalawang minuto ang oras kaya hindi na pwedeng magpapetiks ngayon. Laban kung laban, patay kung patay.
"Oo Xing basta ikaw doon sa dalawa," ani Matthew at pasimpleng tinuro ang dalawang dambuhala gamit ang malilikot na mata.
"Oo basta antabay ka lang."
"Ako na bahala sa dalawang 'to." Inakbayan kami ni Samuel. Kaming dalawa ni Rafael ang tinutukoy niya. "Tara na, para matapos na 'to."
Pumwesto na kami sa dapat naming kalagyan. Sa kanila ang bola kaya may pag-asa pa talagang madagdagan ang isang lamang nila sa amin. Kaya dapat mapigilan namin sila, bago pa nila kami ulit maibaon sa ilalim ng lupa.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21