🏰ALEX🏰
Ang kakapal ng pagpeface nitong mga pagkapangit-pangit na enforcers na 'to. Ang lakas ng inside nilang hulihin ang nag-iisa, walang kapares, walang kapantay, walang kasing tamad, walang kasing yabang, walang kasing ganda at walang kasi yaman na si Boss Baby Uod Mapagmahal yes yes yow!
Wala rin palang kasing haba ang nguso...
Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa bagay na 'yan. Napakaimportante pa naman ng nguso ko sa akin. Dito kasi nakasalalay ang kinabukasan ng magiging babies ko. Ito ang maghahatid sa akin ng limpak-limpak na kayamanan na siyang mag-aahon sa akin sa kapangitan. Ito rin ang magdadala sa akin sa ruruk ng tagumpay.
Mabuti na lang dumating ang pangit na magkapatid, dahil kung hindi? Tapyas ang kayabangan ko. Wala na akong armas sa laban namin. Napakasakit Kuya ReiRei, ang sinapit ng aking pagkapangit-pangit na buhay.
Tinanong kasi ako ng enforcer, 'nasaan daw ang helmet ko, alam ko raw ba na bawal ang walang helmet?'. Ang sagot ko, 'hindi ko alam kasi hindi naman ako nagtanong'. Hinanap niya rin sa akin ang helmet ko. At ang sabi ko naman, 'nasa bahay'. Nagmatapang pa talaga siya na sabihin sa akin, 'bakit bahay mo ba ang nagmomotor?'. Kaya sinagot ko siya, 'oo paminsan-minsan kapag tinatamad siyang maglakad'.
Tameme eh...
Ang galing ko hindi ba?!
Wala talaga akong kapantay. Maski ang mga bruskong matatandang lalaki ay walang nagawa sa kayabangang taglay ko. Basta meron kasi ako nito, wala akong talo.
Kasalukuyan ng kinakausap ng magkapatid na pangit ang mga nang-caught sa akin. Buong akala nila mapagmumulta nila ako. No no yow, dahil hindi ako kasing bobo ng iniisip nila. Nagmulta pa rin naman, pero hindi sa akin nanggaling. Doon sa panganay ni Nanay Edna. Siya ang nagbayad dahil siya naman ang pangit dito. Pagbabayarin ko rin sana 'yung Bradley dahil ang pangit niya rin eh, kaso tinamad ako.
Bukas na lang...
'Pag sinipag na ako...
Panguso-nguso lang ako rito habang nakasakay kay Topak. Nakakaawa naman siya, kamuntik ng maimpound dahil sa kayabangang taglay ko. Mabuti na lang tinopak din si Topak, inusukan niya ang mga enforcer.
Ang galing niya hindi ba?
Parang ako...
Hindi pa rin ako makaalis dahil bawal pa raw. Na-mad kasi ang mga enforcers ng yabang-yabangan ko sila. Ang sama raw ng ugali ko, pero ang sabi ko naman mabait ako. Dahil 'yon ang sinasabi nila Tupe, kaya nga ako ang lagi nilang pinaghuhugas. Nanlaki ang mata ko nang maalala kong hindi pala ako naghugas kagabi dahil nitakasan ko si Eric.
Kaya pala hindi ako mabait ngayon!
'Di bale, maghuhugas na lang ako mamaya para mabait na 'ko ulit. Mabait naman kasi talaga ako, pero madalas, masama na. Sobrang sama, napakasama at pinakamasama sa buong mundo.
"Boss Baby," tawag ni Bradley'ng pangit. Napaka~pangit niya talaga.
"Oh?!" Nisungitan ko kaagad para 'di nila ako pagalitan.
"Chill lang, 'wag kang magagalit. Gaganda ka niyan." Nginiwian ko siya. "Hala, gumaganda ka na."
"Nasaan?" Nakaturo kasi siya sa face ko kaya panay ang hampas ko sa cheeks ko. "Nasaan ang maganda?" Nataranta ako, baka itakwil ako ni Mamaw kapag gumanda ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21