Chapter 316: POWERPUFF GIRLS (SFD4)

106 12 1
                                    

🏰DARYLLE🏰

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko. Pinipilit nilang hinaan ang boses, pero naririnig ko pa rin naman. Hindi naman nila intensiyon ang manggising, sadyang nagising lang talaga ako dahil na rin sa impit na ingay na naririnig ko. Nagsenyasan silang lahat na 'wag maingay nang nagmulat ako. Nagtahimikan sila bigla nang tuluyan na akong magising.

Napahikab ako dahil inaantok pa ako, pero sa ganitong klase ng environment mukhang hindi na ako matutulog. Nalingunan ko sina Alex at Sydney na mahimbing pa ring natutulog. Magkakatabi kami rito sa sofa bed na dala ni Kuya Reiven.

Wala talaga sa plano namin ang matulog, manonood sana kami ng korean movie ni Sydney, pero itong si Alex ini-spoil kami. Sinabi niyang hindi magkakatuluyan ang dalawang bida, at nawala talaga ang thrill dahil ikinukuwento na niya 'yon. Sabi ko 'wag pero dahil gustong-gusto niya akong inaasar, tinuloy niya pa rin. Hanggang sa dapuan siya ng antok at mangyakap. Inantok din ako dahil sa lambot ng higaan tapos ang boring na ng movie lalo na pagdating sa resolution na part. At na-spoil pa ako, kaya nakakawala talaga ng ganang manood.

Mabuti na lang, si Sydney na ang yakap ni Alex ngayon. Kanina kasi, hindi ako makagalaw, dahil sa sobrang higpit ng yakap niya. May kasama pang paa kaya wala, hindi na talaga ako nakaporma.

"Sorry," sabi ni Loona. Mahina akong natawa, dahil kung makapag-sorry akala mo naman may nagawang malaking kasalanan.

"Sarap ng tulog niyo diyan ah?" Lumapit sa amin si Yiren. "Sino may dala?" 'Yung sofa bed ang tinutukoy niya.

"Coach," sagot ko. Hinawi ko na ang kumot ni Alex na pagkakapal-kapal.

"Ay sana all, sarap matulog." Tinignan niya ang mga beshiewap kong feel na feel ang pagtulog.

"Nanood kayo ng laro?" Nagtanong pa ako kahit alam ko naman na. 'Yan kasi ang pinag-uusapan nila kanina.

"Oo, panalo. Si Kuya nga best player eh. Hindi ako binigyan ng doughnut, ang damot."

Buti na lang sinagot na niya 'yung dapat na itatanong ko. Nakaka-excite din naman kasing alamin 'yung result ng mga kasamahan niyo. Gusto ko talagang manood kanina, pero inantok na kami at tinamad na ng husto.

"Ilan lamang?"

"Siyam, akala nga namin matatalo na naman eh. Ganda ng laro."

"Eh di 2-1 na standing nila?"

"Oo, ligtas na." Tumawa siya kaya nawala ang mata. Mukhang nakalusot ang mga player ni Coach Limer sa laglagan.

"Yiren kain na tayo," yaya ni Loona. "Kayo? Hindi pa kayo kakain?" Baling niya sa akin. Nginuso ko 'yung dalawa kong tropa na tulog na tulog pa hanggang ngayon. "Gisingin mo na."

"Wala akong balak makipag-away ngayon." Makahulugan ang sinabi ko. Nagkatinginan pa sila bago tumawa. Mukhang naintindihan naman nila na may topak ang pinsan kong hilaw.

Tumayo na sila Yiren at kinuha na ang ilang gamit sa bag nila. "Sila Coach?"

Ngayon ko lang din napansin na ang tahimik ng paligid. Kami lang nila Sydney ang nandito kung wala sila Yiren. "Hindi ko alam," sagot ko. Hindi ko talaga napansin na lumabas pala sila.

"Ay baka, kumakain na rin. Kain lang kami," paalam ni Loona. Lumabas na sila nila Yiren.

Inabot ko ang cellphone ko at saka tinignan ang oras. Alas dose na pala, kaya kailangan na naming kumain kung tutuusin, pero ayoko talagang manggising.

"Good aftie!" Boses ni Kendrick ang narinig ko. Rumampa-rampa siya sa harap namin. Kasunod niya sina Georgina at si Cassey na mukhang hiningal sa pag-abot ng tubig.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon