Chapter 355: BIYABIT (SFD6)

107 12 1
                                    

🏰CASSEY🏰

Nagkandaihi-ihi kami nila Sydney kaya nandito na kami ngayon sa CR. Kasi naman, hindi na kami nahinto sa kaaasar dito kay Kendrick. Panay ang tanggi niya na hindi niya raw 'yon gusto, pero ayaw naman niyang i-block.

Nakakatawa lang kasi may mga kakilala rin akong bakla na ganiyan. Kahit malambot sila may mga oras pa ring naa-attract sila sa babae. 'Yung iba nga nagkakagusto sa kaibigan nila, pero pinaninindigan nilang bakla sila kasi nanatakot sila malayuan.

Ang ilan sa mga pinapakita ni Kendrick ay senyales na may pag-asa pang manumbalik ang dating siya. Hindi naman sa umaasa pero kung may chance bakit hindi 'di ba?

Hindi malabong nakakaramdam na siya pero pinipigilan niya lang, dahil marahil naniniwala ang utak niyang bakla siya kahit na may parte na sa kaniyang nagsasabi na lalaki talaga siya. Mahirap paniwalaan pero may mga ganiyan talaga. Nagiging lalaki lang kapag nagkakagirlfriend.

Silahis ang tawag...

Bi!

"Uy ano sa palagay niyo?" Naghugas si Sydney ng kamay kaya para na kaming nagpilahan dito. Lahat kami nakaharap sa salamin. Mga nagliliptint para fresh. "Tulungan natin 'yung babae?"

"'Wag," kanina pa rin kami tinututulan niyan ni Alex. Ewan ko ba, ayaw niya yatang maging lalaki si Kendrick.

"Bakit naman? Ang cool kaya ng gano'n. May kaibigan tayong lalaki, one of the girls."

"Basta, ayaw ko."

"Ipush natin," sabi ko. Pinapatuyo ko na ang kamay ko. "Sayang naman, minsan lang 'yon. 'Tsaka mukhang type din naman siya nung babae."

"Hindi 'yon magsesend kung hindi," sabi ni Georgina matapos niyang papulahin ang labi gamit ang sandata ni Sydney sa pamumutla.

"Penge," lumapit ako at kinuha ang liptint ni Syd. Nilagyan ko rin ang labi ko, pero 'yung tama lang. Hindi masiyadong mapula at hindi rin naman maputla.

"Ah basta ako g ako," ani Sydney.

"Ako rin g ako," sabi naman ni Georgina. Nilingon nila ako kaya tumango ako. Hindi na ako makapaghintay na maging lalaki talaga 'tong si Bautista.

"Ayaw ko," inis na sabi ni Alex. Ngumuso siya at bumusangot. Gusto ko na naman tuloy siyang yakapin.

Ang cute niya kasi.

"Akala ko ba hindi kailangan ng jowa?" Suyang tanong ni Darylle. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang magliptint, kaya naninibago ako. "Baka magalit naman sa atin si Mojo Jojo kapag ginawa niyo 'yan."

"Tama," pagsang-ayon ni Bubbles. "Dahil ang babaeng 'yon, nakatadhana para sa akin." Napatitig kaming lahat sa kaniya at medyo nagulat pa. "Sa akin ang babaeng 'yon, sa akin ang b**bie niya."

"Hoy Alex tigilan mo nga 'yang pinag-gagagawa mo." Hinampas siya ni Darylle sa braso. Naalibadbaran yata sa pinsan niya. Mawawalan kami ng bwakla, mukhang twomboy naman ang papalit.

"Hoy te sayang ganda," pabirong sabi ni Georgina. Nakangiwi at pinipigil ang tawa.

Kumalabog ng malakas ang pinto. Natanaw namin si Kendrick na nakasilip. Kunot na kunot ang noo niya at pinagpapawisan pa. "Mga te, sana naisip niyong mainit dito sa labas no? Hot na ako tapos hot pa 'yung araw. Enebe? Malolosiyang ang Lola niyo. Arat na," yaya niya habang pinampapapay ang kamay sa sobrang init.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon